Ai-Ai delas Alas, other celebs post messages of love for director Wenn Deramas

Close friends and celebrities who worked with Direk Wenn V. Deramas post their messages of love for the blockbuster director, including Ai-Ai delas Alas (in photo), Eugene Domingo, Luis Manzano, Derek Ramsay, and Heart Evangelista.


Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay ng mga artista dahil sa pagpanaw ng blockbuster director na si Direk Wenn V. Deramas.

Pumanaw si Direk Wenn ngayong umaga ng Lunes, February 29, dahil sa cardiac arrest.

Ilan pa sa mga artistang nag-post ng kanilang pakikiramay sa social media ay ang mga nakatrabaho niyang sina Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Luis Manzano, Derek Ramsay, at Heart Evangelista.

Simple lamang ang post ni Ai-Ai para kay Direk sa kanyang Instagram.

“Mahal kita” ang tanging caption ng Comedy Queen sa kanyang post na naglalaman ng “Rest in peace.”

Mahal kita??????

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Maraming pinagsamahan sina Ai-Ai at Direk Wenn bilang magkatrabaho at magkaibigan.

Si Direk Wenn ang naging direktor ni Ai-Ai sa ilan sa kanyang blockbuster films, kabilang na ang hit movie franchise na Ang Tanging Ina.

Samantala, naugnay ang dalawa sa isyung may kinalaman sa MMFF 2015 kung saan pareho silang may entries.

Si Direk Wenn ang direktor ng Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin, samantalang kasama ni Ai-Ai sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Alden Richards sa My Bebe Love.#KiligPaMore

Sa isang interview ay sinabi ni Ai-Ai na hindi siya naniniwalang number one sa takilya ang Beauty and the Bestie, kontra sa claim ng kampo ng Star Cinema.

Read: Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema’s No.1 claim in the MMFF box-office race

Sa isang ulat ng PEP makalipas ang ilang araw, sinabi ni Direk Wenn na magkalaban man ang pelikula nila ni Ai-Ai, hindi kailangang madamay ang pagkakaibigan nila dahil sa kumpetisyon sa pelikula.

Pahayag ni Direk Wenn sa nasabing ulat: "Direktor ako, artista siya dun sa kabila. And let's face it, ang MMFF ay kumpetisyon.

"Kumpetisyon namin pare-pareho, kaya hindi dapat madamay ang friendship sa professional namin pagdating dito kasi matatapos yun."

Read: Wenn Deramas hurt by Ai-Ai delas Alas' insinuations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OTHER MESSAGES. Nag-post din ng mensahe si Eugene Domingo para kay Direk Wenn.

Bukod kay Ai-Ai, isa pang madalas nakatrabaho at kaibigan ni Direk Wenn si Eugene, na kasama rin sa lahat ng Tanging Ina movies.

Pinasalamatan ni Eugene si Direk sa kontribusyon nito sa industriya at sinabing mami-miss niya ang direktor araw-araw.

Inisa-isa naman ni Luis Manzano ang mga proyektong pinagsamahan nila ni Direk Wenn, kagaya ng Kampanerang Kuba, Dyosa, Mga Paa ni Isabela, Ang Cute ng Ina Mo, Hating Kapatid, Petrang Kabayo, Who's That Girl, This Guy's in Love With U Mare, Moron 5, at Moron 5.2.

Ani Luis, isa si Direk Wenn sa mga nagtiwala sa kanyang kakayahan at kakulitan.

Momski naman e... Ikaw isa sa unang nagkatiwala sa kulit ko sa pag arte, Kampanerang Kuba, Dyosa, Mga Paa ni Isabela, Ang Cute ng Ina mo, Hating Kapatid, Petrang Kabayo, Who's that girl, This guy's in love with you Mare, Moron 5, Moron 5.2 at lahat ng cameo ko sa inyo ni @praybeytbenjamin . Hindi ka lang naging Direk @wennderamas sa akin , ikaw momskie ko eeeeee, bakit momski?! alam ko kahit ano mangyari kakampi kita sa lahat sa buhay ko. Ikaw pa nagturo sa akin ng naging favorite brand ko ngayon ng tuyo ????????? love you momski, mamimiss ko yung mga kurot mo sa nipple ko ?????? salamat sa lahat Momski, salamat. May utang pa pala ako sa yo na 50 pesos nung huling premiere natin, bumili ako ng tubig wala pala akong wallet, wag ka na maningil momski, please ???

A photo posted by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Mensahe naman ng pasasalamat at pagmamahal ang ipinost ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram account.

Nagkatrabaho sina Direk Wenn at Derek sa pelikulang The Unkabogable Praybeyt Benjamin.

Nagpasalamat din si Heart Evangelista kay Direk Wenn.

Nakatrabaho ni Heart si Direk Wenn sa Ang Tanging Ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN