Cherry Pie Picache attests JaDine romance is for real

"Samahan," Cherry Pie Picache says about what she misses the most about the just-ended On the Wings of Love. 


Isa raw si Cherry Pie Picache sa mga unang nakaalam na may relasyon na sina James Reid at Nadine Lustre bago pa man umamin ang mga ito.

Si Cherry Pie ang gumanap na Tita Jack na nagpakilala kina Clark (James) at Leah (Nadine) sa katatapos na ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love (OTWOL).

Hindi for showbiz lang ang pag-amin nila at totoong nagmamahalan ang dalawa?

“Ay, oo, yes!” bulalas niya.

Sabi pa ni Cherry Pie, “Natuwa naman ako, hindi naman kami nagulat, yung ganun.

“Kasi lagi silang magkasama, at saka kamahal-mahal naman talaga si James.

“Alam mo sa set, kuwentuhan at saka nagko-confide, yung ganun.”

ON JAMES. Ang ikinagulat daw ni Cherry Pie ay ang pag-amin ni James na mahal niya si Nadine sa harap ng publiko at fans.

Nangyari ito sa Jadine In Love concert nila sa Smart-Araneta Coliseum.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

“Na-surprise pa rin ako, pero I’m happy for them,” sabi ng aktres nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa grand launch ng Alab Restaurant sa UP Town Center noong Sabado, February 27.

Dumalo rito ang mga direktor ng OTWOL na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas, at ang co-stars ni Cherry Pie sa teleserye na sina Albie Casiño, Ysabel Ortega, Cheska Iñigo, Paeng Sudayan, at Joel Saracho.

Ayon kay Cherry Pie, parang naging Tita Jack din daw siya sa totoong buhay kina James at Nadine dahil naging close siya sa dalawa, lalo na raw kay James.

At ngayong nagtapos na ang OTWOL noong February 26, mami-miss niya raw ang dalawa.

“Mami-miss ko sila. Actually, mami-miss ko si James. Sobrang close namin.

“Napakabait na bata, mabait ang puso.

“Alam mo naman ako… wala akong sasabihin kung hindi ko mahal.

“Hindi sila showbiz, e, especially si James.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging mas close daw siya kay James dahil sila na ang madalas magkaeksena lalo na noong umuwi na sila sa Pilipinas mula sa taping nila sa Amerika.

“Kasi after yung one month namin sa San Francisco, ang lagi ko nang kasama si James.

“Noong una, hindi mo pa ma-please, kasi nga tahimik.

“Hindi mo alam kung ano yung tumatakbo sa utak.

“Pero later on, nakikita mo yung honesty, sincerity, mabait na bata.

“Tapos alam mong nakaano [dedicated] siya sa craft niya.

“Itong huli, sabi ko sa kanya, ‘Gumagaling ka, ha!’

“James wants to make sure that he won’t just be a pretty face.”
 
ON NADINE. Ano naman ang masasabi niya kay Nadine?

“Si Nadine, tahimik din, hindi rin siya showbiz.

“Alam mo naman na gusto niyang pag-igihan yung craft niya.

“Napakasipag na bata, at saka maalaga kay James.”

So, nakita niyang totoong mahal din ni Nadine si James?

“I suppose, oo naman, oo naman.”
 
Ano ang naramdaman niya sa naging tagumpay ng OTWOL, na nagkaroon pa ng live viewing party at concert sa finale episode nito?

Saad ni Cherry Pie, “Siyempre, grateful ka lang, and iyon nga ang sinasabi ko sa dalawang bagets [James at Nadine].

“You know, you should be very thankful that you have this.

“And you should continue to work at it, kasi may katapusan lahat.

“So, yung longevity nandoon sa love mo sa craft at ugali.

“One year, two years, may papasok na naman na bago, so kailangan matuto kayong alagaan iyon.”

Ano ang mami-miss niya sa OTWOL?

“Samahan.”

RESTAURATEUR. Part-owner si Cherry Pie ng Alab Restaurant na nasa ilalim ng Moderne Group of Restos Inc.

Partners niya rito sina Joel Fernando ng JB Music and JB Sports at si Christine del Castillo ng Moderne Culinaire Academy.

Specialty ng Alab ang mga putaheng Pinoy mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kaya naman kamakailan ay pinarangalan ito bilang Best Filipino Cuisine Specialty Restaurant ng Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawang branch ng Alab ang nasa UP Town Center. Ang una ay matatagpuan sa Tomas Morato.

Nakatakda na rin daw magbukas sa April ang pangatlo nilang branch sa Venice Piazza, McKinley Hill.
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN