Iza Calzado reveals receiving a text message from Wenn Deramas the night before he died

Iza Calzado posts on Instagram the text message she received from director Wenn Deramas, the night before he passed away.


Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Iza Calzado ang huling text message na natanggap niya mula kay Wenn Deramas ilang oras bago pumanaw ang box-office director.

Isang message prayer umano ang text na ipinadala ni Direk Wenn kay Iza noong Linggo, February 28.

Sumakabilang-buhay ang batikang direktor nitong umaga ng Lunes, February 29.

Saad ni Iza sa kanyang Instagram post ngayong araw:

“This was the last prayer message he sent yesterday… ‘Dear Jesus, You give me peace. Thank You, Lord, for the gift of eternal life and for the gift of eternal love. May I be ever grateful, and may I share Your Good News with a world that so desperately needs Your healing grace. Amen.’”

Pagpapatuloy ni Iza, hindi siya naka-reply sa direktor, pero naisip niya raw ito noong gabi.

“Hindi man lang ako nakapag-reply ng good morning at naisip pa kita kagabi dahil nakuha ko na yung health card ko at naisip ko kung natuloy ka mag-inquire ng health-care insurance sa friend ko.”

Sabi pa ng aktres, pinayuhan niya ang direktor noong simula ng 2016 na maghinay-hinay muna sa pagtatrabaho at alagaan nito ang sarili.

Nagkaroon ng mild stroke si Direk Wenn noong 2013, dahilan upang pansamantala siyang tumigil sa trabaho.

“Sabi ko sa 'yo earlier this year wag na mag-segue and to take good care of yourself, your health para sa mga bagets.

“Wish I sent you a message! Wish I was able to send my love.”

Pagpapatuloy pa ng message ni Iza, “Direk Wenn, please know that I will forever be grateful for your love, trust and friendship.

“Isa ka sa mga tunay na mahal ko sa industriyang ito at alam kong mahal mo din ako.

“Salamat. Pahinga ka na, Direk, at patawanin mo sila ng bongga sa heaven.”

Si Direk Wenn ang naging direktor ni Iza sa kanyang unang teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan, noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This was the last prayer message he sent yesterday.. Dear Jesus, You give me peace. Thank You, Lord, for the gift of eternal life and for the gift of eternal love. May I be ever grateful, and may I share Your Good News with a world that so desperately needs Your healing grace. Amen. -- Hindi man lang ako Nakapag reply Ng Good Morning at Naisip pa kita kagabi dahil nakuha ko na yung health card ko at naisip ko Kung natuloy Ka mag inquire n health care insurance sa friend ko. Sabi ko Sayo earlier this year wag na mag segue and to take good care of yourself your health para sa Mga bagets. Wish I sent you a message! Wish I was able to send my love ??????? Direk Wenn, please know that I will forever be grateful for your love, trust and friendship. Isa Ka sa Mga tunay na mahal ko sa industriyang ito at alam Kong mahal mo din ako. Salamat ? Pahinga Ka na, Direk, at patawanin mo sila Ng Bongga sa Heaven ??????????

A photo posted by ??? DREAM BIG ??? (@missizacalzado) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN