Erich Gonzales not yet ready to settle down with Daniel Matsunaga

Erich Gonzales explains why she and boyfriend Daniel Matsunaga want to prioritize their showbiz career: "Individually, siyempre po, gusto rin naman naming mag-grow. I mean, hindi naman kami love team talaga."


“Matagal pa po 'yan.”

Ito ang nakangiting sagot ni Erich Gonzales nang tanungin tungkol sa psoibleng pagpapakasal nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga,

Ayon sa Be My Lady actress, nais muna nila ni Daniel na mag-focus sa kani-kanilang showbiz career bago pasukin ang susunod na level sa kanilang relasyon.

May mga pangarap pa po kami na gustong matupad. May mga goals din kami in life,” sabi ni Erich sa panayam sa kanya ng reporters sa opening ng Choobi-Choobi Seafood Restaurant kahapon, February 29.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Individually, siyempre po, gusto rin naman naming mag-grow.

“I mean, hindi naman kami love team talaga.

Nagkataon lang po na yung trabaho namin ay together as a couple.

Pero siyempre, gusto rin namin mas marami pa pong mangyari, like roles na magawa, movies, mga ganyan.”

Sa ngayon, ini-enjoy lang daw muna nina Erich and Daniel ang kanilang relasyon.

Dahil daw sa madalas nilang pagsasama, ayon sa aktres, “Patuloy namin nadi-discover na mahal namin ang isa't isa.

So far so good naman. Thank you, Lord.

“So far, okay naman po ang relationship namin, ang working relationship namin, kasama yung ibang cast.”

Sina Erich at Daniel ay magkapareha sa daytime series ng ABS-CBN na Be My Lady.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN