Vic Sotto reveals how he realized that Pauleen Luna is "the one"

Vic Sotto proud to be married to Pauleen Luna; tells elusive bachelors, "Wala na, hindi na uso ang mga bachelor ngayon, mag-asawa na kayo huy!"

 


Sa isang pambihirang pagkakataon, idinetalye ni Vic Sotto, 61, kung paano niya napagtanto na si Pauleen Luna, 27, na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Lalo pa’t may impresyon ang publiko na tila wala sa plano ni Vic ang magpakasal, dahil na rin sa dami ng nakarelasyon nito bago si Pauleen.

Pag-amin ni Vic, “Years back, I was ready to be single for the rest of my life.

“Sabi ko, nandiyan naman ang mga anak ko to take care of me.

“Pero nung nag-asawa na si Danica, nag-asawa na si Oyo, that was the time na I realized na, teka, parang meron na silang mga sariling buhay.

“Nag-graduate na ng college yung aking pangatlo, si Vico; nag-graduate na rin sa college yung bunso ko, si Paulina, baka mag-asawa na.

“So, they will have lives of their own. So, papa’no naman ako?”

Sina Oyo at Danica ay mga anak ni Vic sa dating asawa niyang si Dina Bonnevie; si Vico ay anak niya kay Coney Reyes; at si Paulina ay anak ng comedian kay Angela Luz.

Nakapanayam si Vic ni Jessica Soho para sa February 28 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Ayon pa kay Vic, naniniwala siyang sakto ang pagdating ni Pauleen sa kanyang buhay dahil sa wakas ay handa na siyang lumagay sa tahimik.

“Bago kami nagkaroon ng relationship, naisip ko na to find the right one and I will ask this girl to marry me.

“And nataon na nandiyan si Pauleen, and alam ko naman na she was ready to love me and take care of me for the rest of our lives.”

Ano ang isang katangian ni Pauleen para masabi niyang nahanap na niya ang kanyang “the one”?

Sagot ni Vic, “She’s very loving. Iba, e.

“It’s really hard to explain, pero basta naramdaman ko.

“Siyempre may kasamang dasal yun na for guidance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta yun lang, naramdaman ko lang yun. Di ko ma-explain, e.”

Apat na taong naging magkarelasyon sina Vic at Pauleen bago sila ikinasal sa St. James The Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa City, noong January 30.

Read: Vic Sotto and Pauleen Luna are now married!

AGE DOES NOT MATTER. Mula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon noong 2013, isa sa mga pambabatikos na natanggap nina Vic at Pauleen ay ang pagkuwestiyon ng ilan tungkol sa kanilang 34-year age gap.

Ngunit para sa dalawa, hindi kailanman naging balakid ang malaking agwat ng kanilang edad.

Paliwanag ni Vic, “Wala namang problema sa age.

“Kasi, the fact is walang batas na nagbabawal—[mapa] batas ng tao [o] batas ng Diyos walang nagbabawal—na kailangan ang difference niyo two years lang.

“Ideal is five years, 10 years... it doesn’t work that way.

“The most important is how you feel, what you feel, and what you believe in.”

Sa parte ni Pauleen, malaking bagay na ang kanilang pagmamahal at pagtanggap sa pagkatao ng isa’t isa.

Saad niya, “I think acceptance is really the key.

“With Vic, he has children. They are his priority.

“Mas naging madali nung natanggap ko na, okay, he has children.

“Hindi siya naging stuggle from then on nung natanggap ko yung mga bagay and accept him for who he is.

“Kung ano yung mga napagdaanan niyo sa buhay, tapos na yun. Accept it.”

Sa huli, ito ang madamdaming sagot ni Vic kung paano nila nalalampasan ni Pauleen kung anumang problema ang makaharap nila:

“Kahit ano kaya mong lagpasan basta naniniwala ka na nasa side niyo ang Panginoon.

“Basta nananampalataya ka at nandun yung tinatawag na pag-ibig.

“Love lang ang susi.”

May mensahe rin si Vic para sa mga lalaking takot lumagay sa tahimik: “Wala na, hindi na uso ang mga bachelor ngayon, mag-asawa na kayo huy!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vic Sotto ready to have kids with Pauleen Luna


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN