Aljur Abrenica on why he is still single: "I'm taking my time."

Aminado si Aljur Abrenica na single pa rin siya hanggang ngayon, matapos ang hiwalayan nila ni Kylie Padilla noong June 2014. Hindi pa raw kasi niya nahahanap ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.


“Steady” lang daw si Aljur Abrenica kahit na wala siyang love life ngayon.

Paglalarawan pa niya, “Bumibiyahe ako, doing some self-studies, nai-enjoy ko pa yung time ko sa sarili ko.

“There’s always a reason why you’re single.

“Kung ano man yung pinagdadaanan mo sa buhay, it's like preparing you for something, e, I believe. I look at it that way.

“I’m just enjoying my own company, lalung-lalo na kapag nagkataong nakakasama ko yung mga pamilya, that’s what matters most. And pamilya ‘yan, e.

“And kapag dumating, ayoko naman ipilit ang sarili ko…

“Mahirap naman na ipilit mo na magkaroon ng relasyon na hindi ka naman talaga in love sa tao.

“So, I’m taking my time.”

Wala ba siyang nililigawan ngayon?

Sagot ni Aljur, “Hindi ko pa kasi nakikita yung tao na masasabi kong susuyuin ko ng mga ilang taon.

“Na sasabihin kong makakasama ko na [habang buhay], wala pa akong nakikita.”

Ang huling nakarelasyon ni Aljur ay ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa contract signing nito bilang bagong brand ambassador ng PUMA Philippines, sa Richmonde Hotel, Ortigas Center, Pasig City, ngayong Miyerkules, March 2.

Nakatakdang pangunahan ng StarStruck Season 4 Ultimate Hunk ang upcoming Ignite Ultimate running and training campaign ng naturang brand sa katapusan ng Marso.

Ma. Theresa Santos (AVP Sales & Marketing, CAT, Inc.), Aljur Abrenica, and Anne Puno, GMA Artist Center Branding & Marketing Manager)

MAY DAHILAN. Naitanong din ng PEP kay Aljur kung ano sa tingin niya ang kanyang pagkakamali na tila dahilan ng pagbagal ng takbo ng showbiz career niya.

Tugon niya, “Para sa akin, ang lahat ng taong nagkamali, may dahilan yun.

“Hindi kasi ako naniniwala sa isang bagay na ang tao ay gusto niyang mapahamak siya.

“Ikaw, gusto mo ba mapahamak ka? Ibabalik ko sa ‘yo [ang tanong].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, di ba? Kahit na nagkamali ka na noon, di ba, hindi mo naman ginusto na mapahamak ka.

“May rason lagi, malamang may matinding rason. At maiintindihan ko yun sa isang tao.

"So, ako, lahat may rason, lahat may pupuntahan ‘yan, e.

“Kailangang intindihin din natin kung saan ang pinanggalingan ng isang tao, hindi lang yung ipinapakita ng media.”

UPCOMING PROJECTS. Hindi man abala masyado sa telebisyon, apat na pelikula na nagtatampok kay Aljur ang nakatakdang ipalabas ngayong 2016.

Ayon sa 26-year-old Kapuso actor, “Right now, ipinalabas na yung EDSA.

“And after that, we still have three films coming out, tapos na rin.

Expressway, which will be shown on April 21st; Hermano Pule by Direk Gil Portes around September; and Mabalasik… we’re trying to penetrate sa mga film festivals sa ibang bansa.

“Sa TV, wala pa tayong projects, pero nag-o-audition ako…

“I’m doing auditions sa mga soaps.”

Ano bang klaseng projects ang gusto niyang masubukan ngayon?

Sagot ni Aljur, “Gusto ko makabuluhan, something na pelikula na maaapektuhan ang mga tao.

“Magkakaroon ng baon o pagbabago sa… sanhi ng pagbabago sa buhay nila, kamulatan. 'Yan ang mga gusto kong gawing pelikula.

“At the same time, gusto ko ring gumawa ng love story.

“Nakaka-miss kaya gumawa ng love story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN