Angel Locsin on the late Wenn Deramas: "Sobrang bilib ako sa loyalty niya."

"Nakikita naman natin yung mga taong inalagaan niya from the start, hanggang sa dulo sila pa rin ang magkakasama. Ganun magmahal si Direk Wenn," said Angel Locsin when asked about what she admires most about the late box-office director.


Nagbigay-pugay si Angel Locsin sa yumaong box-office director na si Wenn Deramas kagabi, March 1.

Bandang 10:38 P.M. nang dumating ang aktres sa ikalawang gabi ng lamay para kay Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels, sa Quezon City.

Isang oras ding nanatili si Angel sa burol ni Direk Wenn bago ito umalis kasama ng ilang kaibigang madalas makita behind-the-scenes sa Kapamilya TV shows.

Ngunit bago ito ay nagpaunlak ng panayam si Angel sa piling miyembro ng entertainment reporters.

Ayon kay Angel, malaking kawalan sa showbiz si Direk Wenn, hindi lang dahil sa galing nito bilang direktor ngunit lalo na ang pagiging mabuting mentor at kaibigan nito.

Sabi ng Kapamilya actress, “Si Direk, sobrang bilib ako sa loyalty niya.

“Huwag na natin pag-usapan yung galing niya. Alam na ng lahat ng tao yun, e.

“Pero yung loyalty niya sa mga taong sumusuporta sa kanya, mga taong nagmahal sa kanya.”

Hindi man nabanggit ni Angel, maiuturing na isang halimbawa ng loyalty ni Direk Wenn ang pagiging magkabigan ng huli at ng TV host-comedian na si Vice Ganda.

Nagkatrabaho ang dalawa mula sa launching film ni Vice na Petrang Kabayo noong 2010 hanggang sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na Beauty and The Bestie.

Sabi pa ni Angel, sa pagpapatuloy ng kanyang panayam tungkol kay Direk Wenn, “Nakikita naman natin yung mga taong inalagaan niya from the start, hanggang sa dulo sila pa rin ang magkakasama.

“Ganun magmahal si Direk Wenn.

“Sobrang bibihira na magkaroon ng ganong klaseng tao.

“Kahit na ang taas-taas ng naabot pero nagbibigay pa rin ng oras para makatulong.”

Hindi man direktang nakatrabaho ni Angel si Direk Wenn, posibleng naging malapit na rin ang aktres kay Direk Wenn sa pamamagitan ni Luis Manzano.

Ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis ay malapit na kaibigan ni Direk Wenn mula pa nang magkatrabaho ang dalawa sa Kampanerang Kuba noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huili, nagbigay ng mensahe si Angel para sa naiwang pamilya ni Direk Wenn.

“Nagbibigay lang po ako ng aking pakikiramay sa mga pamilyang naiwanan.

“Marami pong nakakaramdam ng lungkot.

“Pero siyempre, hindi ko naman maikukumpara yung lungkot na nararamdaman natin sa nararamdam ng pamilya niya.

“Ibibigay ko po yung respeto sa kanila."[gallery id="9329"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN