Gerald Anderson says he loves everything about showbiz: "Kahit yung mga masasakit na parts."

Gerald Anderson: "I want to be remembered as someone na bawat project, alam mo ibibigay ko lahat para sa proyekto. Someone na hindi takot sa mga challenges, someone who inspires other actors kasi marami ring ibang actors before me na nag-inspire sa akin."


Ipinagdiriwang ni Gerald Anderson ngayong 2016 ang kanyang 10th year anniversary sa showbiz.

Sa ASAP episode noong February 21, binati si Gerald ng mga kasabayan niyang artista; kabilang na sina Enchong Dee, Rayver Cruz, at ang co-housemates niya noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition 1 na sina Kim Chiu, Matt Evans, Jamilla Obispo, at Joaqui Mendoza.

Ano ba ang sikreto niya upang magtagal sa industriya?

Sagot ni Gerald, “Mahal ko po yung ginagawa ko, e, mahal ko yung…

“Gusto ko ‘to na pag kailangan humarap sa mga press, ganun.

“Everything about showbiz, I love, kahit yung mga masasakit na parts.

“Yung privacy, wala na. Lagi kang pinag-uusapan, maganda at hindi maganda.

“Pero mahal ko po yung craft ko, e.

“Mula nung bata ako, ako po yung tipo na kapag may ginagawa ako, gusto ko magaling ako dun sa ginagawa ko or bakit ko pa ginagawa, di ba?

“So, siguro, yun po, tapos mahal ko yung fans, mahal ko yung mga sumusuporta sa akin.”

INSPIRING. Sa ngayon, wala pa namang konkretong plano si Gerald para sa susunod na sampung taon, ngunit nais lang daw niyang i-enjoy ang kanyang buhay kasama ang pamilya niya.

Saad ni Gerald, “Lahat naman tayo, wala namang ganung klase ng plano, di ba?

“Hindi natin alam kung anong puwede mangyari, katulad po ng nangyari kay Direk Wenn [Deramas].

“Just always enjoy every day of your life kasi hindi mo talaga alam, di ba?”

Bukod dito, marami pa raw siyang nais maabot para sa kanyang showbiz career.

Ani Gerald, “I want to be remembered as someone na bawat project, alam mo ibibigay ko lahat para sa proyekto.

“Someone na hindi takot sa mga challenges, someone who inspires other actors kasi marami ring ibang actors before me na nag-inspire sa akin.

“So ayun and, siyempre, just being a good person and a good example.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ipinapalabas na sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Gerald na Always Be My Maybe kasama si Arci Muñoz.

Sisimulan na rin niya ang kanyang next movie project sa susunod na linggo.

Excited si Gerald dahil mala-On The Job umano ang kanyang sunod na pelikula.

“Merong similar na gagawin ko, katulad niyan na bago po ako pumunta dito.

“Yun po ang pinag-usapan namin, next week na ako mag-start, so excited din ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN