Karla Estrada mourns the passing of good friend Wenn Deramas

Karla Estrada on what she will miss most about director Wenn Deramas: "Yung friendship. Yung tsikahan na tawanan nang tawanan lang. Yung panglalait niya sa akin, bonggang-bongga! Kasi tawag niya sa akin, 'Bakit ganyan? Bakit yung balakang mo, parang Araneta Coliseum?' Marami pa…"


Isa si Karla Estrada sa mga unang nakaalam ng pagkamatay ng direktor na si Wenn Deramas noong Lunes, February 29.

Kabilang din ang ina ni Daniel Padilla sa mga nag-asikaso nang dalhin ang mga labi ng direktor sa Arlington Memorial Chapels.

At katulad ng lahat ng kaibigan at nakatrabaho ni Direk Wenn, nagulat din si Karla sa biglang pagpanaw ng kaibigang direktor.

Pahayag niya, “Walang ibang salita na puwede kong i-describe ang damdamin ko nung malaman ko ang nangyari sa kanya.

“Yung lungkot at gulat na… isa sa pinakamalungkot na balitang natanggap natin.”

Noong simula raw ay hindi agad naniwala si Karla nang makarating sa kanya ang balitang wala na si Direk Wenn.

Lahad niya, “Kasi ako, tinawagan ako ng 6:30 A.M. ni Allan [assistant director ni Wenn], e.

“At ang pagkasabi kasi sa akin, dire-diretso. Yung talagang, ‘Si Ate Wawa ganito. Tapos si Direk inatake. Sumunod ka na dito!’”

Pumanaw si Direk Wenn dahil sa atake sa puso, ilang oras lang matapos nitong malamang yumao na ang kanyang kapatid na si Mary Anne o Ate Wawa, na naunang isinugod sa Capitol Medical Center, madaling-araw ng Lunes, February 29.

Patuloy ni Karla, “Ako, talagang, ‘Huh?’ Talagang, ‘Hindiii!’ Nagsisigaw ako doon sa kuwarto. ‘Hindi! Hindi si Direk!’

“Bangon ako, dire-diretso sa sasakyan, yung ganyan.

“Sabi ni Vice [Ganda], ‘Saan ka na?’

“Sabi ko, ‘Ano, abot ba ako?’ Nandoon pa kasi sila sa ospital noon…

“Sabi niya, ‘Baka hindi mo kami abutan [sa ospital], ha. Dumiretso ka sa Arlington.’

“So, dito, sa pagdating ko dito alas-diyes ng umaga, dire-diretso ako sa embalming section.

“Doon nagngangangawa ako noong makita ko siya [Direk Wenn].

“Grabe! Grabe!

“Lahat naman ng tao ayaw makita yung ganoong ano, pero hindi ko kaya.

“Gusto ko siyang makita, e. Para sabihin ko lang sa sarili ko na, ‘Totoo ba?’

“Kasi hindi nga ako makapaniwala at ayokong tanggapin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEMORABLE MOMENTS. Ano ang mga hindi niya malilimutan kay Direk Wenn?

Ayon kay Karla, “Naku, napakarami! Napakarami, oo.

“Kaibigan ko siya 1991 pa.

“Ako yung madalas niyang artista sa ‘Kung Maibabalik Ko Lang’ portion for Teysi ng Tahanan. Tapos nag-uumpisa siyang direktor.

“Masaya, tawang-tawa kami kapag pinag-uusapan namin na kunwari ang eksena ko nasa Japan, sumasayaw ako.

“Pero actually, nasa isang dingding lang kami. Meron lang ilaw na ginagalaw-galaw niya!” natatawang pagbabalik-tanaw ni Karla.

“So, mula doon, nag-klik na kami. Hindi na kami nagkabitawanan.

“Ang daming panahon na natulungan niya ako sa pagiging single mom.

“Naging close ako kay Nanay [Mommy Lydia]. Sa nanay talaga ako napalapit and mula noon, magkakasama na kami.

“Dalaga pa ako nung magkakilala kami kaya baby pa lang si DJ [Daniel]. Kasi nanganak ako’t lahat, e, 1995.

“Inabot niya lahat ng anak ko. In fact, si Maggie, yung pangatlo ko, ninong siya.

“Kapag Bagong Taon, ganyan, nasa bahay kami nina Direk at ni Nanay.”

WHAT NOW. Ano ang mami-miss niya kay Direk Wenn?

Saad ni Karla, “Well, unang-una yung text niyan na Bible verses every morning. Na sasagutin ko siya lagi ng amen.

“Yung friendship. Yung tsikahan na tawanan nang tawanan lang.

“Yung panglalait niya sa akin, bonggang-bongga!  

“Kasi tawag niya sa akin, ‘Bakit ganyan? Bakit yung balakang mo, parang Araneta Coliseum?’

“Marami pa…”

Dumalaw na ba si Daniel kay Direk Wenn?

“Kararating lang ni Daniel, galing sila ng Tacloban yesterday…

“KathNiel for the youth, sila ang nag-represent for Mar Roxas.”

Ano na ang mangyayari sa movie nina Vice at Daniel na ididirek dapat ni Direk Wenn para sa 2016 Metro Manila Film Festival?

“Oo, yun nga, ‘yan nga ang malaki naming pag-uusapan kasi, ni Vice at saka ng Star Cinema, sina MNS [Malou Santos] at Tita Cory [Vidanes].

“Pag-uusapan namin kung sino at kung saan kumportable yung dalawa—si Vice at si Daniel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN