Alden Richards to birthday girl Maine Mendoza: "Kapit lang tayo."

Alden Richards' birthday message to Maine Mendoza: "Stay strong. Kapit lang tayo."


"Short but sweet" kung ilarawan ng ilang netizens ang birthday message ni Alden Richards para sa kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, na nagdiriwang ng 21st birthday niya ngayong Huwebes, March 3.

Ang birthday message ng Kapuso actor kay Maine: “Stay strong. Kapit lang tayo.”

Ikinatuwa naman ng fans ng AlDub (Alden and Maine) ang message na ito ni Alden para kay Maine, at marami sa kanila ang nag-tweet ng pagsuporta sa dalawa.

Kahit ang kasamahan ni Alden sa Sunday Pinasaya na si Jerald Napoles ay napa-tweet at naghahangad ng “forever” para sa dalawa.

Sa Eat Bulaga! kanina ay nagbigay rin ng mensahe si Alden kay Maine, na first time mag-celebrate ng kanyang birthday bilang isang showbiz personality.

Sabi ng aktor ay i-enjoy lang ni Maine ang araw na ito at huwag nang magpaapekto sa mga negatibong bagay.

Nakatakdang magkaroon ng malaking birthday celebration si Maine sa Eat Bulaga! sa darating na Sabado, March 5.

Samantala, maging ang mga Dabarkads o mga kasamahan ni Maine sa noontime show ay nag-post sa social media ng kanilang pagbati para sa birthday girl sa social media; kagaya nina Joey de Leon, Pia Guanio, at Ruby Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN