Alden Richards unhurt in car accident

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2016
Kapuso actor Alden Richards figured in a car accident this Friday morning, March 4. However, the Pambansang Bae tweeted to assure his fans that he is fine.

Nasangkot sa isang minor car accident ang Kapuso actor na si Alden Richards ngayong Biyernes ng umaga, March 4.

Pero tiniyak naman ng aktor, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, na maayos ang kanyang kalagayan.

Nag-tweet din ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Jr. upang tiyakin sa supporters ng Pambansang Bae na hindi ito nasaktan.

Nag-tweet din ang GMA Artist Center Heads of PR and Events na si Mark Sablan na hindi nasugatan si Alden at ang assistant nitong si Tenten.

Maraming netizens at supporters ng 24-year-old actor ang nag-alala matapos mabasa ang balitang ito sa social media.

May mga nag-post din ng larawan ng sasakyan ni Alden pagkatapos ng aksidente; warak ang harapan o bumper nito dahil sa aksidente.

Continue reading below ↓

(Photo from Twitter @aldub_lovers)

Sa isa pang larawan, makikita si Alden na nakaupo malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Mapapansin din sa nasabing photo collage na ito na tila bumangga ang itim na kotse ni Alden sa isa pang kotseng nasa harap nito, dahilan kung kaya't nasira ang harapan ng kotse ng aktor.

Continue reading below ↓

Nakipag-ugnayan na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Artist Center at GMA Corporate Communications para sa karagdagang detalye tungkol sa aksidenteng ito na kinasangkutan ni Alden.

Pahayag ni GMA Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz:

"Kapuso star Alden Richards figured in a minor vehicular accident this morning. We would like to assure his fans and his supporters that Alden is safe and doing well. Alden would like to thank everyone for praying for his safety."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Alden Richards
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Alden Richards figured in a car accident this Friday morning, March 4. However, the Pambansang Bae tweeted to assure his fans that he is fine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results