TV and film director Francis Pasion found dead

Isa na namang direktor ang pumanaw, matapos matagpuang patay si Francis Xavier Pasion sa loob ng kanyang bahay sa may Quezon City.


Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay ang writer-director na si Francis Xavier Pasion ngayong Linggo ng hapon, March 6.

Si Francis ay isa sa mga direktor ng katatapos lang na teleserye ng ABS-CBN na On The Wings of Love, na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Siya ay 38 years old at nag-graduate sa Ateneo De Manila University.

Ayon sa film producer na si Atty. Joji Alonso, ang mga magulang ni Francis ang nakadiskubre sa wala nang buhay niyang katawan sa banyo ng kanyang bahay sa Quezon City.

Ayon sa unang pagsisiyasat ng SOCO (Scene of the Crime Operatives), namatay si Francis dahil sa heart attack.

Kinumpirma rin ng ABS-CBN ang malungkot na balitang ito sa pamamagitan ng Twitter:

Ilan pa sa mga teleseryeng idinirek ni Francis para sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Sabel, My Binondo Girl, Kahit Konting Pagtingin, Princess and I, My Little Juan, Dyesebel, at Nathaniel.

Kabilang naman sa mga idinirek niyang pelikula ang Jay (2008), Sampaguita National Flower (2010), at Bwaya (2014).

Kaagad namang nagpaabot ng kanilang pakikiramay para kay Direk Francis, sa pamamagitan ng social media, ang mga kaibigan at nakatrabaho niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN