Celebrities mourn death of director Francis Pasion

Pinagluluksa ngayon ng TV and film industry ang pagkamatay ng direktor na si Francis Xavier Pasion, na nagdirek ng ilan sa pinakamalalaking teleserye ng ABS-CBN.


Nagulat ang mga kasamahan sa industriya ng direktor na si Francis Xavier Pasion sa balitang namatay na ito.

Natagpuan ang bangkay ng 38-year-old film and TV director sa banyo ng bahay nito sa Quezon City kahapon, March 6.

Read: TV and film director Francis Pasion found dead

Sa pamamagitan ng social media ay nagpaabot ng pakikiramay at pagkalungkot ang ilan sa mga nakatrabaho ni Direk Francis:

Si Francis ay isa sa mga regular na direktor ng ABS-CBN para sa mga teleserye nito, kabilang na ang katatapos lang na On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre.

Ang full-length teleseryes na idinirek niya ay ang Princess and I (starring Kathryn Bernardo, Enrique Gil, and Daniel Padilla), My Bindondo Girl (starring Kim Chiu, Xian Lim, and Matteo Guidicelli), Sabel (starring Jessy Mendiola), at Nathaniel (starring Gerald Anderson and Shaina Magdayao).

Nagdirek din siya ng ilang episodes para sa Kahit Konting Pagtingin, My Little Juan, Dyesebel, at Wansapanataym.

Isa rin siyang award-winning indie filmmaker. Kabilang sa mga idinirek niyang pelikula ay ang Jay (2008), Sampaguita, National Flower (2010), at Bwaya (2014).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN