Baron Geisler, Shaina Magdayao pay tribute to late director Francis Pasion

Nagbigay-pugay sina Baron Geisler at Shaina Magdayao sa yumaong direktor na si Francis Pasion. Huling nakatrabaho ng dalawa ang direktor sa ABS-CBN primetime series na Nathaniel.


Dalawa sa naging katrabaho ng yumaong direktor na si Francis Xavier Pasion ay sina Baron Geisler at Shaina Magdayao.

Si Baron ang bida sa unang indie film na idinirek ni Francis, ang Jay (2009); habang si Shaina naman ang isa sa lead stars ng teleseryeng Nathaniel (2015) na si Francis ang nagdirek.

Sa pamamagitan ng social media ay ipinahayag nina Baron at Shaina ang kanilang saloobin sa biglaang pagkamatay ni Direk Francis.

Read: TV and film director Francis Pasion found dead

BARON GEISLER. Isang mahabang status sa Facebook ang ipinost ni Baron tungkol kay Direk Francis, na isa raw sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan.

Ikinuwento rin ng aktor ang huling pag-uusap nila ng Nathaniel director.

“I am still in total disbelief that Direk Francis Pasion is no longer with us. Such a tragic loss for his family, friends, and colleagues.

“There was still a lot of brilliant things that he could have done.

“It was just a few days ago that I spoke to him over the phone to catch up and talk about future projects, and it still hasn't sunk in that I won't be able to talk to him again.

“I don't think I'll ever forget the time that we did the movie Jay, which is probably one of the most important movies that I've ever done in my life, and he was there not only to be my director, but to also be my friend and mentor.

“Our last project together was the TV series Nathaniel, and amid the difficulties of working with me, he was patient and yet firm to reiterate to keep my focus, and to do my job well. 

“He was probably one of the few people who truly believed in my capabilities as an actor, and I'll always be grateful for all the lessons that I've learn from him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I lost a dear friend today. You will surely be missed, Direk Francis. Mahal kita.”

Bukod dito, nag-post din si Baron sa Instagram ng kanyang artwork ng isang mukha.

Francis Pasion mahal kita

A photo posted by Baron Geisler (@barongeisler) on

At sa caption, sabi ni Baron: “I feel so bad about your passing. You will forever be in my heart. Funny thing, I was crying the entire time I drew this.”

SHAINA MAGDAYAO. Bukod sa pagtatrabaho nila sa teleseryeng Nathaniel, magkapareho rin daw ng faith sina Shaina at Direk Francis.

Ito raw ang naging daan upang maging mas malapit sila sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Shaina ang larawan ng yumaong direktor at ang huling pasalubong nito sa kanya na galing Poland, ang Divine Mercy.

Mensahe ni Shaina, “You were one of the very few that I loved opening up to about my life’s spiritual journey. 

“Maybe because we were just so aligned, faith-wise.

“Salamat Direk Francis, sa pakikinig, sa paniniwala, sa pagiging isang kaibigan on and off cam, sa laging pag-appreciate kung sino at ano ako bilang artista at higit sa lahat, bilang isang tao.

“Last month, yun pala ang ating huling exchange-religious pasalubong. Ang bilis naman.

“Sabi mo gagawa pa tayo ng pelikula after Nathaniel, at isa ding pelikula na madre ako at isang tungkol sa anghel dahil devotee ka ni Archangel Michael.

“Di bale, sigurado ako kasama mo na siya ngayon. Akalain mo yun, ikaw pala ang totoong Nathaniel namin.

“Pahinga na, Direk, mami-miss ka namin, mahal naming Direktor. Mahal kong kaibigan. You’ll always be in my heart, direk Francis Pasyon.”

????? You were one of the very few that i loved opening up to about my lifes spiritual journey. Maybe because we were just so aligned, faith -wise. ??? Salamat direk Francis, sa pakikinig, sa paniniwala, sa pagiging isang kaibigan on and off cam, sa laging pag - appreciate kung sino at ano ako bilang artista at higit sa lahat, bilang isang tao. ?????? Last month, yun na pala ang ating huling exchange-religiouspasalubong ??? Ang bilis naman. Sabi mo gagawa pa tayo ng pelikula after Nathaniel, at isa ding pelikula na madre ako at isang tungkol sa anghel dahil devotee ka ni Archangel Michael. Di bale, sigurado ako kasama mo na siya ngayon. Akalain mo yun, ikaw pala ang totoong Nathaniel ?? namin. ????????? Pahinga na Direk, mamimiss ka namin, mahal naming Direktor. Mahal kong kaibigan. Youll always be in my heart, direk Francis Pasyon ??? #FPUNIT #PaalamDirekFrancis

A photo posted by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

Ang huling teleseryeng idinirek ni Francis ay ang On The Wings of Love ng ABS-CBN.

Sa Facebook account ni Francis, ang wall at profile picture niya ay sinasabing tila “premonition” ng kanyang pagpanaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN