Marian Rivera requests for less time at work to focus on Baby Zia

"One at a time lang ako. Hindi ako puwedeng dala-dalawang trabaho sa isang araw," says Marian Rivera about limited working hours to give more time for her Baby Zia.


Sobrang ini-enjoy ngayon ni Marian Rivera ang pag-aalaga sa kanyang anak na si Maria Letizia.

Kaya naman hindi raw niya iniinda ang pagod o puyat sa pag-aalaga sa three-month-old daughter nila ni Dingdong Dantes.

Pahayag niya, “Hindi ko na iniinda ang puyat kasi iba kapag nakikita mo yung anak mo, kahit puyat ka, priceless talaga, e.

Sabi ko nga, hangga't kaya kong gawin, gagawin ko, kahit mahirapan pa ako, magpuyat ako, okay lang.”

Nakausap ng GMA News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa Glow With Wellness event ng Watsons noong Sabado, March 5.

Ikinatutuwa rin ng Kapuso Primetime Queen na maaasahan ang kanyang mister pagdating sa pag-aalaga kay Baby Zia.

“Malaking bagay na sinusuportahan ka ng asawa mo, especially hindi biro ang mag-alaga ng anak.

May mga moment nga ako na pinipiktyuran ko sila together, na parang, 'Hay, thank you Lord.'”

Happy New year from our little family to yours. ??????

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

 

LIMITED TIME FOR WORK. Dahil gusto ni Marian na matutukan ang mga unang buwan ni Baby Zia, nakiusap daw siya sa GMA Network na gawing maiksi ang oras niya para sa trabaho.

Aniya, “Ang hirap. Sa totoo lang, bawat araw na iniiwan ko ang anak ko, sobrang hirap talaga.

Pero sinisigurado ko talaga na konting oras lang yung mawawala ako.

One at a time lang ako. Hindi ako puwedeng dala-dalawang trabaho sa isang araw.”

Bukod sa pagbabalik niya sa Sunday noontime show na Sunday Pinasaya, magiging bahagi rin si Marian sa pagbabalik ng telefanstasya na Encantadia.

“Ang Encantadia ay isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA.

Sabi ko nga, sa paglalambing nila sa akin, bakit hindi ko sila pagbibigyan,” sabi ni Marian tungkol sa pagpayag niyang gumanap bilang Ynang Reyna sa telefantasya.

Kaugnay nito, hiniling daw ni Marian sa GMA na magkaroon ng istriktong cut-off sa trabaho,

Sabi ko nga, mixed emotions ako dahil magbabalik ako sa soap opera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero at the same time, mahirap, kasi ang hirap iwan ng anak ko.

Kaya nag-compromise din ako sa GMA na dapat may cut-off.

Kahit papaano sana mas maraming pa rin yung [oras] sa anak ko.”

Nabanggit din ni Marian na may pelikulang naka-line-up para sa kanya.

Pero hindi pa raw ito magagawa dahil “sabi ko isa-isa lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN