Former GMA talents Stephanie Henares and Gino dela Peña tie the knot

"Absolutely awesome wedding," says Rhian Ramos about the wedding of her cousin Stephanie Henares to Gino dela Pena


Ikinasal na ang dating Kapuso talents na sina Stephanie Henares at Gino dela Peña.

Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Montemar Beach Club, sa Bagac, Bataan, noong Sabado, March 5.

Si Stephanie ay anak ng Pepito Manaloto actor na si Ronnie Henares at ng dating GMA Artist Center head na si Ida Henares.

Ibinahagi ng pinsan ni Steph na si Rhian Ramos ang ilang kuha mula sa kasal nina Steph at Gino sa pamamagitan ng Instagram:

 

 

My beautiful cousin, @stephaniehenares - dela Peña ??? #henapena

A photo posted by Nadine Howell Fanlo (@nadinerhowell) on

Si Rhian at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Nadine ay kabilang sa bridesmaids ni Stephanie. Samantalang ang kanilang inang si Clara Howell ay isa sa principal sponsors.

Two bridesmaids and a ninang. #henapena ???

A photo posted by Nadine Howell Fanlo (@nadinerhowell) on

VIEW MORE PHOTOS Stephanie Henares ties the knot with Gino Dela Peña

Sina Stephanie at Gino ay parehong naging contract stars ng GMA Artist Center at lumabas sa iba't ibang programa ng Kapuso network.

Nagkatrabaho sila sa sports show ng defunct QTV 11 na X-Life noong 2011.

Si Gino ay naging castaway sa reality show na Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown (2011) at lumabas sa teleseryeng Magic Palayok (2011) at sa pelikulang Mga Mumunting Lihim (2012).

Si Steph naman ay nakasali sa cast ng Machete (2011).

Tatlong taon na ang kanilang relasyon nang magdesisyon sina Gino at Steph na magpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN