Sunshine Dizon hits back at basher for cursing her

Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na patulan ang isang basher na minura siya dahil sa pagganap niya bilang kontrabida sa GMA primetime series na Little Nanay.


Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na patulan ang isang basher na minura siya dahil sa pagganap niya bilang kontrabida sa GMA primetime series na Little Nanay.

Ipinost ni Sunshine sa kanyang Instagram ang screen cap ng mensahe sa kanya ng isang “katherinemay.guzman” kagabi, March 7:

“Tang**a mo ngay pati bata pinapatulan mo umayos ka nga pangit bakekang.”

Si Sunshine noon ang gumanap na bida sa GMA teleserye na Bakekang (2006-2007).

Sa caption ni Sunshine ay binuweltahan niya ang naturang basher:

“You do not have the right to call me names, specially call me PUT**G INA. I suggest you watch your language, I am a hard working mother of two and pls don’t forget that I am an actor.

“As a viewer you should be able to draw the line from real life and television. Now if you can’t do that I suggest you go and have yourself checked.

“Didn’t your parents thought you better @katherinemay.guzman.”

Marami naman sa followers ni Sunshine ang nakisimpatiya sa aktres at nagsabing sumobra na raw ang naturang basher.

Hindi na makikita sa IG account ni Sunshine ang naturang post dahil binura niya rin ito kaagad pagkatapos ilabas ang kanyang saloobin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN