Zsa Zsa Padilla explains why she does not want a big wedding

Divine Diva Zsa Zsa Padilla explained why it seems like she's not excited in talking about her wedding plans with fiance architect Conrad Onglao. "Kasi hindi... sa edad ko talaga, hindi na. I don't want it to be big. Kasi sabi ko, hindi ko naman ito first wedding. Hindi naman niya ito first wedding."


Hindi pa makapagbigay ng detalye ang Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang fiance na si Conrad Onglao.

“Plano pa rin hanggang ngayon,” biro niya nang kumustahin ng entertainment reporters ang plano niyang pagpapakasal, sa press conference ng The Story of Us kahapon, March 8, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Dito ay inusisa na rin ang Divine Diva kung saan gaganapin ang kasal, subalit ngumiti lang ito.

Ngunit nilinaw niyang ngayong taon din magaganap ito.

“This year, pero surprise. Pati sa kanya [Conrad], surprise. Sabi ko, akong bahala.”

Dagdag ng The Story of Us star, simple lang ang pinaplano nilang kasal at ang imbitado lang dito ay ang kanilang mga anak sa mga dati nilang karelasyon.

Ito ay sa kabila ng maaaring maraming mga kaibigan niya ang magtampo kapag hindi sila naimbitahan.

Sabi ni Zsa Zsa, “Napakasimple lang naman talaga ng gagawin namin, e.

“Ang gusto ko lang, talagang present yung mga anak namin.”

Sa kabilang banda, napansin ng ilang press na tila hindi excited na magkuwento ang 51-year-old singer tungkol sa kanyang kasal.

Katuwiran niya, “Kasi hindi... sa edad ko talaga, hindi na.

“Nape-pressure ako na may masaktan, meaning walang maimbita.

“And I don’t want it to be big.

“Kasi sabi ko, hindi ko naman ito first wedding. Hindi naman niya ito first wedding.”

Paliwanag pa ni Zsa Zsa, “Meron pa akong naudlot na wedding, na-trauma ako, e.

“Kapag nagpaplano ako, natu-trauma ako, e, parang nane-nega na ako na hindi matuloy, baka may mangyari.

“Sabi ko, siguro kung bibiglain ko na lang. Pati siya mabibigla na lang.”

Ang tinutukoy marahil ni Zsa Zsa ay ang naudlot na kasal nila noon ng yumaong Comedy King na si Dolphy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN