Maine Mendoza assures fans "nothing serious" about her condition

Hindi na nagawang tapusin ni Maine Mendoza ang Eat Bulaga! kanina, at ipinakita pa nga sa TV habang paalis siya sa barangay at sumakay sa kotse na magdadala sa kanya sa ospital.


Tiniyak ni Maine Mendoza sa kanyang mga tagasuporta na maayos ang kalagayan niya pagkatapos siyang isugod sa ospital kaninang hapon, March 8.

Hindi na nagawang tapusin ni Maine ang Eat Bulaga! kanina, at ipinakita pa nga sa TV habang paalis siya sa barangay at sumakay sa kotse na magdadala sa kanya sa ospital.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay nagbigay ng mensahe ang phenomenal star para sa AlDub Nation na nag-aalala sa kanyang kalagayan.

Nag-post din ang Eat Bulaga! sa official Facebook account nito upang bigyan ng update ang Dabarkads tungkol sa kalagayan ni Maine:

Na-check na po ng mga doktor si Dabarkads Maine. Nag-complain lang siya ng pain sa tagiliran kanina pero ok na po siya...

Posted by Eat Bulaga on Tuesday, 8 March 2016

Kababalik lang ni Maine mula sa ilang araw na bakasyon sa Boracay, kasama ng ilang staff at dancers ng Eat Bulaga, at ngayong araw rin siya bumalik sa programa.

Lumabas si Maine sa "Juan For All, All For Juan" segment kasama ang JoWaPao o sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Nagkatuwaan pa nga ang Eat Bulaga! hosts dahil ang nabunot na winner ay gumagawa ng ataul, kaya isa-isa nilang sinubukang mahiga sa gawa nang kabaong.

Si Maine ay game na game pang nag-pose nang pakuwela habang nasa loob ng kabaong, at tila wala namang anumang nararamdaman.

Ngunit sa "Kalyeserye" segment, na nasa huling bahagi ng programa, ay kapansin-pansin ang pagkaka-delay ng pasok ng mga nasa barangay.

Nang sa wakas ay makapasok na ang mga nasa barangay, tanging si Jose (bilang Lola Tinidora) lamang ang lumabas.

Pero pagkatapos ng ilang sandali ay sinamahan na siya ni Wally (bilang Lola Nidora).

Dito na nila sinabing masama ang pakiramdam ni Maine.

Ngunit lumabas pa rin ng ilang sandali si Maine at inabot ang kunwari'y pasalubong niya mula sa Boracay.

Pagkatapos nito ay ipinakita ang dahan-dahang paglalakad ni Maine, habang inaalalayan ng isang staff, papunta sa sasakyan.

Halata naman ang pag-aalala ng mga nasa studio, kabilang na si Alden Richards, para sa kalagayan ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN