Lotlot de Leon keeps watch over her manager Tita Angge

Lotlot de Leon says her Tita Angge has always treated her like family, more than talent in her ward, and she is deeply grateful.


Nasa Cardinal Santos Medical Center gabi-gabi ang aktres na si Lotlot de Leon dahil doon naka-confine, sa intensive care unit, ang kanyang manager na si Cornelia Lee o mas kilala sa tawag na Tita Angge.

Noong Sabado, March 5, ay inatake sa puso si Tita Angge at isinugod sa nasabing ospital.

Pahayag ni Lotlot, “Malungkot. Masakit at nasasaktan ako para sa pamilya niya.

“Kasi pag nakita mo ang mga anak niya, alam mo na talagang buhay nila si Tita A.

“Hindi lang ang mga bata, buong pamilya niya, mula kapatid, pamangkin.

“Hinihintay nila na gumising na si Tita A.”

May pagbabago ba sa kundisyon nito?

“Wala po, no brain activity,” malungkot na sabi ni Lotlot.

Severe brain coma pa rin ang kalagayan ni Tita Angge.

Habang kausap namin si Lotlot ngayong araw, March 9, sa pamamagitan ng Facebook private messaging, ay nagte-taping siya sa Sta. Mesa ng Juan Happy Love Story, upcoming primetime series na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Bilang alaga ni Tita Angge, bukod sa kalungkutan, ano ang nasa isip at puso ni Lotlot ngayon?

“Pasasalamat din po sa lahat din ng naitulong niya sa akin.

“Hindi lang bilang artista kundi parang pamilya din,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN