Luis Manzano has no response to rumor he has unfollowed Angel Locsin on Twitter

Luis Manzano says many of his bashers have turned around and offered their apologies. "Never akong nainis… It's all fun and games para sa akin."


Mainit pa rin ang pnag-uusapan ang nababalitang hiwalayan nina Luis Manzano at Angel Locsin.

Totoo ba na in-unfollow na Luis sa Twitter si Angel?

“Anything to do with Angel, tahimik na lang ako.

“Mas tama na lang yun for both parties.

“Tahimik na lang ako, tahimik na lang ako sa lahat ng bagay,” sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa niya, “Ang showbiz kasi, ang bawat sagot namin ay seed.

“Seed 'yan na bubunga ng kung anu-ano ‘yang bagay kahit gusto mo o hindi.

“Kahit napakaganda ng intension mo sa sagot mo, makakahanap at makakahanap ng mali ang taong naghahanap ng mali.”

FUN AND GAMES. Isa si Luis sa mga celebrity na kilalang nakikipagpalitan ng maaanghang na comments sa bashers sa social media, lalo na kapag masyadong personal na ang atake sa kanya.

“Bakit hindi?” sabi ng Kapamilya star sa pagpatol nito sa bashers sa Internet.

“Hindi naman nakakairita,” dugtong pa niya, “para sa akin, it’s mental exercise.

“Sabi ko sa lahat ng mga sinagot kong bashers, sa lahat ng sinagot ko na bash, tumatawa lang ako sa bahay habang ginagawa ko yun.

“Never akong nagalit, never akong nainis.

“For me, it’s mental exercise and it makes me feel good about myself kung paano ako pinalaki ng magulang ko.”

Alin ang totoo sa mga bintang ng bashers na sinagot niya?

Ayon kay Luis, “Sa lahat, lahat ng bashers, natatawa lang ako.

“Walang specific kasi, para sa akin nga, kapag may nakita akong basher, it’s time to work out my mind.

“Nagkakataon hindi sila nakakasabay, e.

“Hindi, kunyari may profile talaga, okey.

“Forgive the term, pero tirahan tayo.

“Pero kapag nagtatago ka sa anonymity, anong laban ko?”

Dagdag niya, “Alam mo, ang dami ko nang basher na nagme-message sa akin after our exchange.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Humihingi ng sorry. Oo, ang dami, dami na.

“Like, ‘Please, tanggalin mo na ang comment mo.’

“Sabi ko, ‘O, bakit? Ako ba ang pumunta sa profile mo para manggulo? Hindi.’

“Ang daming nangyayari na nagso-sorry din sa akin yung mga bashers, apology accepted.

“It’s all fun and games para sa akin.”

Dapat hindi sila pikon?

“Yes,” diin ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN