Ara Mina to bashers of sister Cristine Reyes: "Bigyan n'yo po siya ng chance. Nag-mature na po siya."

Ara Mina makes an appeal to netizens to give her sister Cristine Reyes a chance to prove that she has changed for the better.


Sinagot ni Ara Mina ang mga basher o kritiko ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito at ng veteran actress na si Vivian Velez.

Magkasama sina Cristine at Vivian sa ABS-CBN afternoon drama series na Tubig at Langis.

Pumutok ang balita tungkol sa alitan ng dalawa nang mag-status sa Facebook si Vivian noong Linggo, March 6, at inanunsiyo ang kanyang "irrevocable resignation" sa show dahil sa umano’y pambabastos sa kanya ni Cristine.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Noong Martes, March 8, binasag na ni Cristine ang kanyang katahimikan at ipinagtanggol ang sarili mula sa nasabing isyu.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Noong araw ring iyon ay naglabas ng official statement ang pamunuan ng Tubig at Langis upang linisin ang pangalan ni Cristine sa mga akusasyon ni Vivian.

Read: Tubig at Langis production clears Cristine Reyes's name in dressing-room incident with Vivian Velez

ARA DEFENDS CRISTINE. Kahapon, March 9, ipinost ni Ara sa kanyang Instagram account ang official statement ng Tubig at Langis, na nagtatanggol kay Cristine.

May mga netizen na nagkomento at binatikos ang pagkukunsinti umano ni Ara sa nakababatang kapatid.

Sabi ng isang netizen: “Normal ipagtanggol ang isang kapamilya pero sana kapag sila may pagkakamali, itama natin. Peace.”

Nagpahapyaw pa ang nasabing netizen tungkol sa pagkakaroon ng isyu dati ni Cristine na nakipag-away sa ibang artista.

Sabi ng isa pang netizen, kahit mahal natin ang isang tao, hindi ito dapat kinukunsinti kapag gumawa ng mali.

“Kailangan itama ang pagkakamali, hindi yung pagtatakpan pa lalo. Kasi lalong lalaki ang ulo na gumawa ng mali. May time na binastos nga si Megastar Sharon Cuneta nun, inaway niya si Sarah Geronimo.”

Idinagdag pa ng nasabing netizen na hindi na nakapagtataka kung muling masangkot si Cristine sa isyu ng pakikipag-away kay Vivian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ni Ara ang mga ito at nilinaw na hindi niya kinukunsinti ang kapatid.

Dagdag niya, ipinaliwanag daw sa kanya ni Cristine na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Vivian, at itinangging pinaalis niya sa tent ang beteranang aktres, taliwas sa sinabi ni Vivian.

“Hindi ko kukunsintihin kung mali po ang kapatid ko, pero nagkaroon talaga sila ng misunderstanding.

“Kasi kinuwento naman ng kapatid ko na hindi naman siya talaga ang nagpaalis.”

Sa dulo, nakiusap si Ara na bigyan ng pagkakataon si Cristine na ipakitang nagbago na siya.

“Bigyan n’yo po siya ng chance dahil nag-mature na po siya.

“Compared before, nagbago na rin siya.”

Himutok pa ng aktres, “Kakalungkot lang kasi porke’t may record, di na ba puwede magbago ang mga tao?”

May isa namang netizen ang nagtanong kung nag-exaggerate lang si Vivian sa kanyang reaksiyon, matapos maglabas ng official statement ang pamunuan ng Tubig at Langis.

Ayon kay Ara, hindi niya alam dahil wala naman siya sa set. Gayunpaman, umaasa siyang maayos na ang nasabing gusot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN