PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes's 'liar' accusation: "I don't want to feed her fire right now."

Sinabi ni Vivian Velez na gusto na niyang mag-move on sa alitan nila ni Cristine Reyes, na nag-ugat sa pambabastos diumano ng huli sa kanya sa set ng kanilang show na Tubig at Langis. Ngunit sa panibagong interview ni Cristine, napilitang muling magsalita ang veteran actress. Sabi niya, "The proof is in the pudding."


“I don't want to feed her fire right now.”

Ito ang bahagi ng maikling pahayag ni Vivian Velez kaugnay ng sinabi ni Cristine Reyes na kasinungalingan ang mga akusasyon laban sa kanya ng co-star niya sa Tubig at Langis.

Ayaw na sanang magsalita pa ni Vivian tungkol sa sigalot nila ni Cristine, ngunit napilitan itong mag-react nang nagpa-interview muli si Cristine tungkol sa isyu nila.

Ito ay pagkatapos maglabas ng mahabang statement ang aktres, sa pamamagitan ng Viva Entertainment Inc., noong March 8.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Sa panayam nito kay Ginger Conejero ng ABS-CBN News kahapon, March 10, muling pinabulaanan ng Kapamilya at Viva star na binastos niya si Vivian sa dressing room sa set ng kanilang teleserye.

Pahayag ni Cristine: “[I]t saddens me that I'm being used in this particular situation of her graceful exit.

“Sana if ever na mag-settle na lahat ng emotions niya ay maisip niya at ma-realize niya na we all know the truth, and it's all lies.”

Read: Cristine Reyes on Vivian Velez's allegations: 'It's all lies.'

Sa pamamagitan ng text messaging, eksklusibong nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vivian ngayong hapon, March 11.

Hiiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa panibagong deklarasyon ni Cristine.

Buwelta ng veteran actress: “She's the one using me and riding the coat tails. I don't want to feed her fire right now.”

Tungkol naman sa alegasyon ni Cristine na lahat ng paratang niya ay kasinungalingan, birada ni Vivian: “The proof is in the pudding. All the people need to do is look at the details of their story.”

Nitong nakaraang Linggo, March 6, isiniwalat ni Vivian sa PEP ang diumano’y hindi magandang pakikitungo sa kanya ni Cristine sa set ng kanilang teleserye sa Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Itinanggi naman ni Cristine ang naturang akusasyon.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN