Maxene Magalona defends her "excessive PDA" on Instagram: "I wish to spread happiness and good vibes."

Maxene Magalona (shown with BF Robby Mananquil) finds nothing wrong with being too excessive about her intense display of affection in her Instagram posts. She explains, "With regards doon sa mga nagsasabing it's too much, I really don't want others' opinions to affect my actions. If I let that dictate kung paano ako gumalaw, e di hindi na ako naging totoo sa sarili ko, at I'm doing things na lang to please others. And that's not how I want to live my life."


Nagpaliwanag si Maxene Magalona sa pagiging expressive niya ng kanyang pagmamahal sa current boyfriend niyang si Robby Mananquil sa social media, partikular na sa Instagram.

Sa tuwing kasama niya ang nasabing kasintahan, palaging punung-puno ng love ang mga comments at messages ni Maxene para sa boyfriend, na tila hindi nagugustuhan ng kanyang followers.

Ayon sa mga ito, sobra-sobra naman yata ang pagpapakita nito ng pag-ibig at atensyon kay Robby. Excessive Public Display of Affection or PDA, kumbaga.

BEING TRUE TO HERSELF. Komento ni Maxene tungkol dito, "Ako kasi, I really believe in being true to yourself and whatever you want to say, whatever you want to express.

"I think you have the right to do that.

"For as long as nagpapakatotoo ka sa sarili at hindi yung sinasabi mo nga yun pero pakitang-tao ka lang or... not that I'm saying na ganon ang iba, ha?

"This is my own personal take on it.

"That's why on my Instagram, siyempre, social media is a big thing right now, and Instagram is one of the things na makikita mo ang sinumang celebrity or kahit sino, na makikita mo yung personality nila doon sa page nila.

"So parang that's my take on it na on my Instagram, dapat nagpapakatotoo tayong lahat. So yun lang ang personal opinion ko about that.

"With regards doon sa mga nagsasabing it's too much, I really don't want others' opinions to affect my actions.

"If I let that dictate kung paano ako gumalaw, e di hindi na ako naging totoo sa sarili ko, at I'm doing things na lang to please others.

"And that's not how I want to live my life.

"Ako, aaminin ko, nung nakita ko nga yung Instagram ko, hindi ko na siya napansin na parang marami na akong na-post.

"Pero at the same time nung nakita ko, ayoko kasing... naniniwala rin ako na dapat everything is in moderation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nung nakita ko na parang naparami lalo na when we were traveling together, sabi ko, parang isi-save ko na lang yung iba for next time.

"So I'll admit na napansin ko na parang... hindi naman yung OA, pero parang naparami nga.

"But I don't think there's anything wrong with it."

SPREADING GOOD VIBES. Patuloy pang paliwanag ni Maxene, "Yun na nga, it's still being in control.

"Pag nakita mong gano'n, dapat ikaw pa rin ang mag-control nun and take a step back and see the bigger picture.

"I don't want others' opinions to dictate my actions.

"Ayokong because sinasabi ng iba, kaya ko babawasan. Gusto ko sarili kong desisyon.

"One more thing that's why vocal ako, expressive ako when it comes to things sa buhay ko not just with my lovelife, sa lahat ng bagay sa buhay ko, I wish to spread happiness and good vibes.

"At gusto ko parang yung ibang tao maging happy din."

Exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa nakaraang launch ng newest collection ng MAC Cosmetics, ang FLAMINGO PARK na ginanap sa penthouse ng 24/7 Mckinley Building, BGC last Wednesday, March 9.

Isa si Maxene sa mga celebrities na dumalo sa event. At isa rin ang nasabing actress ng Doble Kara sa Kapamilya network na sinusuportahan ng MAC Cosmetics.

GRATEFUL. Ipinaalala ng PEP kay Maxene na hindi siya expressive sa mga nakaraan niyang lovelife, at nakakagulat na tila binubuksan na niya sa publiko ang kanyang personal na buhay.

Napangiti si Maxene at nag-comment, "Kasi this is... it's a good thing for me.

"It's more of kasi sobrang at peace na ako sa sarili ko and I'm so... I'm just grateful.

"That's the word to describe it.

"For everything that's happening in my life, not just with my lovelife, parang everything. Parang feeling ko, I'm right where I'm supposed to be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I pray to God, I talk to my dad.

"I seek advice from my family, my friends. You know I wouldn't be where I am right now if not for all them, if not for all of that.

"I guess if you look at my Instagram, that's the best word that describes how I feel right now. I'm very grateful."

NO WEDDING PLANS YET. Dahil ganitong ka-intense ang feelings niya para kay Robby, posible kayang magpakasal na sila sa nalalapit na panahon?

Natatawang sagot niya, "Ay, I don't wanna think about that. I don't wanna touch about that.

"He's really my best friend. We really talk about everything.

"Wala kaming hindi pinag-uusapan, wala kaming hindi napag-uusapan.

"I'm just so happy to be with someone that I can be so open with, I can be so comfortable with.

"I really don't wanna talk about that. I don??t wanna jinx anything and I don??t wanna get ahead of myself.

"I just wanna enjoy the moment, live each day, day by day. Live in the moment."

FAMILY'S APPROVAL. Masuwerte na nga raw si Maxene dahil tanggap ng pamilya niya si Robby.

Sabi pa niya, "Yun ang pinaka-important to me, without me having to force them to like him.

"Gusto ko natural na nangyayari and that's what's been happening.

"I can see that they're happy with how I am right now as a person now that I am with him.

"That's what makes me really happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN