Mark Neumann cites "human error" for leaked video scandal

Mark Neumann acknowledges his fault for his video scandal, which went viral last February 6, but he says, "All I can do for that person who did it to me, parang without my consent, not knowing anything, parang kaawaan ka ng Diyos, si Lord na ang bahala sa 'yo. I mean, it was my fault naman din, both faults. Pero siyempre, fault niya for spreading it, 'di ba?"

 


“Human error” ang ibinigay na dahilan ni Mark Neumann tungkol sa leaked video scandal na ibinibintang sa kanya na kumalat noong February 6, 2016 at pinagpistahan sa social media.

Hindi na nagpaliguy-ligoy si Mark nang magsalita ito sa kauna-unahang pagkakataon, sa set ng Tasya Fantasya ng TV5, tungkol sa video scandal na kinasangkutan.

Inamin ni Mark ang pagkakamali na bunga umano ng kanyang kabataan, pero sinisi rin niya ang tao na nagkalat ng video.

Pag-amin niya, “Human error, you know.

“I was young, I did my mistakes and I learn from them.

“So since yung technology natin ngayon spreads so fast, nothing we can do about it.

“All I can do for that person who did it to me, parang without my consent, not knowing anything, parang kaawaan ka ng Diyos, si Lord na ang bahala sa 'yo.

“I mean, it was my fault naman din, both faults.

“Pero siyempre, fault niya for spreading it, di ba?

“So it’s like, parang she should taken account, I have followers na bata.

“Sana respetuhin niya ‘yan. Yun lang naman, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN