Dina Bonnevie happy about Pauleen Luna's positive influence on ex-hubby Vic Sotto

Dina Bonnevie speaks highly of Vic Sotto's wife, Pauleen Luna: "Parang sabi lang nila, to quote, 'Siya lang yata yung girlfriend na hindi wini-withhold yung presence ni Vic with them. Yung siya mismo ang nagsasabing, 'Go! Spend time with your kids.'"


Masaya raw si Dina Bonnevie sa pagpapakasal muli ng dati niyang asawa na si Vic Sotto.

Noong January 30, 2016 ay ikinasal si Vic, 61, sa girlfriend nitong si Pauleen Luna, 27.

Pahayag ni Dina, “Parang ako, I’m happy for them.

“I wish them all the best despite some detractors na sinasabi, ‘Naku, hindi magtatagal ‘yan kasi ang laki-laki ng age gap. Blah-blah, blah-blah.’

“Marami ring sinasabi against Pauleen.

“Parang sa akin, tumahimik na lang tayo. Parang let’s give everybody a chance to be happy.

“Parang kung yun ang kaligayahn ni Vic, let him be.

“Parang let us not be the judge and let time be the judge kung talagang magla-last or hindi.

“I don’t think anyone has the right right to say, ‘Hindi magtatagal ‘yan.’

“Parang ang bad naman. Pabayaan mo sila. Let them be.”

Inimbita ba siya sa wedding?

“Nagpapatawa ka ba?” natatawang reaksiyon ni Dina.

“Hindi naman ako... hindi.

“Actually, I saw the brother of Vic. Papunta ako ng Thailand.

“Tapos sabi niya [Maru Sotto], ‘O, balita ko first reading ka.’

“Sabi ko, ‘Ako? Bakit ako naging first reading?’

“Sabi niya, ‘E, kasi second reading si Coney [Reyes].’

“‘A, ganoon?’ Tapos, sabi ko, ‘Ano si Angela [Luz]?’

“Sabi ni Maru, 'Offertory siguro.'

“Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan, joke?!’

“Pero wala, hindi naman [ako] in-invite.”

Sina Coney Reyes at Angela Luz ay mga nakarelasyon ni Vic at ama ng mga anak niyang sina Vico at Paulina, respectively.

Patuloy ni Dina, “Although sabi ko nga, natutuwa rin ako, kasi parang yung Vic noon at Vic ngayon, iba na, e.

“Before, kasi lalaki ‘yan, dadaan yung ano mo [significant date in your calendar], hindi ka babatiin.

“Ngayon, siya pa ang unang... the first, first greeter ng Happy Birthday sa akin, unang nagbati ng Mery Christmas, unang nagbati ng Happy New Year. Unang nagbati ng Happy Mother’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Anong nakain mo?’ Parang bagay ka sa commercial na, ‘Anong nakain mo?’ Hahaha!

“Okey naman... I mean, ako I’m just so happy.

“In time din pala, you know, when people become closer to the Lord, nag-iiba.

“So, I guess, you know, parang naging malapit na rin siya sa Diyos dahil Christian na rin yung mga anak niya.

“I guess, you know, through the kids na rin.

“I guess, more of the kids ang impluwensiya, kasi very active si Kristine, very active si Oyo.

“Si Vico is also a Christian, si Coney is also Christian.

“I believe si Pauleen, parang nag-a-attend na rin ata. Sana, sana,” dasal ni Dina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina sa location shooting ng pelikulang Magtanggol,Bagong Bayani, sa Malolos, Bulacan, noong Huwebes, March 10.

GETTING CHUMMY WITH VIC'S EXES. Nagkikita ba sila ni Coney?

Ayon kay Dina, “I see her in church once in a while, pero kapag nagkikita naman kami sa church, we greet each other.

“Si Vico nakikita ko rin siya. Okey naman.”

Si Pia Guanio lang ang hindi niya naging friend sa mga naging ex ni Vic?

“Grabe naman!” tawa ni Dina.

“Wala lang chance maging friends, but we were never at odds naman.

“Nakikita ko siya. She greets me, I greet her.

“Bakit, meron bang girlfriend na hindi nag-greet sa akin? Dapat alam nila.

“Wala pang girlfriend na hindi nag-greet sa akin.

“Takot na lang nila. Isang tingin ko lang.

“Joke!”

Patuloy ng aktres, “Hindi, never naman kaming [Pia and her] naging at odds.

“Lahat ng naging girlfiend niya, nagha-'Hi!' sa akin.

“Pero bakit ko naman sila ipi-friend ano, di ba? E-epal ka pa? 

“Bakit mo ipi-friend, e-epal ka pa, ‘Uy, anong ginagawa n'yo, friend?’ Pangit
naman!

“Siguro in time we’ll be closer, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin naman na maging kaibigan ni Vic ang asawa ko.

“Gusto ko maging magkaibigan sila ng husband ko, maging magkaibigan din kami ni Pauleen in the future.

“I mean, not one of us is the reason for anyone's separation, di ba?

“Hindi naman si Pauleen ang dahilan ng hiwalayan namin ni Vic. Hindi rin naman si Vic ang dahilan.”

Posible kayang magkasama sila ng mister niyang Vice Gov. DV Savellano sa isang foursome dinner date with Vic and Pauleen?

“Ano ang pag-uusapan namin?!” tawa na naman niya.

Para magkaroon ng formal introduction sila sa isa’t isa, di ba?

“So, kumbaga, para magkakilala-kilala kami nang mabuti,” sagot ni Dina.

Sa isang interbyu, sinabi ni Danica na okey sa kanya na magkaroon sila ng kapatid kay Pauleen. May masasabi ba siya tungkol dito?

“Oo, kasi parang imposible naman na hindi magaanak si Pauleen.

“Siyempre, gusto rin niyang magkaanak.

“Tsaka sana kung sakali man, dapat soon.

“I mean, Vic is already 62. So, by the time the child is ten, 72 na siya.

“Kaya kailangan soon.”

MEETING PAULEEN FOR THE FIRST TIME. Prior to the wedding, nabalita ang pagkikita nila ni Pauleen sa backstage ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum. Totoo ba ito?

“Oo, oo,” pagkumpirma ni Dina.

Puwede ba niyang ikuwento ang nangyari noong nagkita sila ni Pauleen?

“Kasi nasa dressing room ako noon and then, sabi nila, ‘Can we ask you about Pauleen Luna and can we ask you about Pia?’

“Tapos sabi ko, ‘I agreed to guest in this show on the condition that I don’t talk about the letter Ps. Kasi ayoko; si Pia, P rin si Pauleen, di ba?

“Tapos, tamang-tama naman, pumasok siya [Pauleen].

“Parang she just barged into the room na 'Hi, Ms. D. I’m Pauleen Luna.'

“E, di, first time ko siyang nakita in person. Parang, ‘O, hi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, e, di ano, nag-shake hands siya, ganyan-ganyan.

“Tapos sabi ko, ‘I’m sorry, ha.’ Sabi ko, 'Because I don’t really want to talk about you, or Pia in the
interview.'

“Sabi niya, ‘A, why naman?’

“I said, 'It’s not necessary, and besides, I mean, bata yung mag-iinterbyu. I don’t think, you know, it’s proper for a kid to ask questions as sensitive as those.'

“Sabi niya, ‘A, tama ka naman, Ms. D,’ ganyan-ganyan.

“‘Oh, I’m so happy I’ve met you,’ ganyan-ganyan.

“‘My God! I met ‘the’ Ms. Dina Bonnevie,’ sabi niya. ‘I’m really honored,’ ganyan-ganyan.

“‘Oh, thank you.’”

Ano naman ang naramdaman niya sa mga papuri sa kanya ni Pauleen?

“Wala, wala lang. Parang, ‘O, maganda naman pala, di ba?’

“Oo, first time ko siya nakita in person, kasi lagi sa TV.

“Di ba minsan, kapag nakita mo sa TV maganda, pagdating sa personal, chaka pala.

“But hindi... she’s pretty, she’s pretty in person. Malaking babae, ha?

“Tapos lumabas siya. E, di nag-interview na kami ni Ryzza.

“Tapos, paglabas, nakita ko si Vic. Tapos sabi niya, ‘Dina, thank you. Parang I heard, ikinuwento sa akin ni Poleng na nag-meet na pala kayo.’

“Sabi ko, ‘Ah, yeah.’

“‘Thank you, ha,’ sabi ni Vic.

“‘Thank you for what?’

“‘Ah, you know, that you were nice naman to her.’

“Sabi ko, ‘Ah, why shouldn’t I be, di ba?’ Sabi ko wala naman siya ano sa akin. Okey lang.

“And I thanked him also. Sabi ko, 'Thank you, kasi lately natutuwa ako sa ginagawa mo na you’re spending a lot of time with my kids, really taking them out, taking them out on trips.'

“Kasi noong una, sabi ni Danica, ‘Papa, ang dami naming memories ni Mama.’

“Parang, ‘We went to so many trips together, out of the country and in the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Parang ang dami naming memories. Pero tayo, Papa, wala halos tayong pictures. Wala tayong memories. So, let’s start building memories.’

“Noong sinabi raw niya yun sa Papa niya, sinabi raw ni Vic, parang, ‘Kala ninyo, ha, kaya ko rin itama ang lahat. Kaya gagawin ko ang tama. Itatama ko rin ang lahat.’

“So, kaya nga ‘yan, ngayon natutuwa ako na, ‘Wow! Parang sana ganyan ka noon pa na, you know, talagang you really spend time with the kids.'

“Parang ngayon, wala akong mapipintas sa kanya kasi he really takes time out.

“Si Pauleen ang nagri-reach out din and Vic na, ‘O, mag-dinner naman tayo.’

“Tapos, sabi ko nga kay Danica, ‘Parang ang dalas naman ninyong mag-dinner?’

“Sabi niya, ‘Mommy, ayaw mo nun, Papa is spending a lot of time with us?’

“So, tuwang-tuwa ako, kasi ‘yan yung mga kulang sa kanila, e.

“When they were growing up, Vic was hardly there.

“I mean, even if pumupunta sila doon kapag weekends, e, siyempre ang pinupuntirya niya noon, ang lagi niyang kasama, si Coney [Reyes].

“Parang, ‘Hello! Andiyan ang mga anak ko.’ Di ba, spend time?

“So, now, parang lahat ng pagkukulang beforte, andiyan na. Napunuan na and I’m really happy now.”

PAULEEN'S POSITIVE INFLUENCE ON VIC. Magandang influence naman pala si Pauleen para kay Vic kung ganun?

Pagsang-ayon ni Vic, “Oo, sabi ko, maganda rin naman pala ang mga nangyayari na parang...

“Actually, noong sinabi mo nga na magandang impluwensiya si Pauleen, parang na-notice nga ng mga bata na parang, Pauleen kasi doesn’t...

“Naku, ang hirap magsalita!

“Hindi, ibig ko lang sabihin, parang sabi lang nila, to quote, 'Siya lang yata yung girlfriend na hindi wini-withhold yung presence ni Vic with them.

“Yung siya mismo ang nagsasabing, 'Go! Spend time with your kids.’

“Sometimes, lumalabas si Vic na hindi siya kasama. Yung talagang sila lang. Pero minsan naman kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero now siyempre, kasama lagi siya, kasi siyempre, wife na siya, di ba?”

Nagkaroon din ng isyu sina Danica at Oyo nung unang mga taon na nakumpirma na ang relasyon ni Vic kay Pauleen.

Base sa mga intebryu ni Oyo, halata na hindi siya boto noon kay Pauleen para sa kanyang ama.

Idagdag pa na nagkaroon ng isyu noon si Pauleen sa misis ni Oyo na si Kristine Hermosa dahil naman sa ex-boyfriend niyang si Diether Ocampo.

“Ehehem!” tawa ni Dina.

“Aba, ewan ko. Siguro....

“Well, siguro, hindi ako magsisinungaling na, in the beginning, talaga grabe ang apprehensions ni Oyo.

“Talagang ‘no,’ up to the point na mag-aaway sila ng papa niya.

“But I guess, you know, time heals all wounds and, yun na nga, I guess, time heals everything.

“Pero sa wedding, oo, ibinigay niya ang support niya sa daddy niya.

“At saka sabi naman niya, e, mahal talaga ng daddy niya--karapatan.’

“E, bakit ka pumayag na ibigay ang korona?’ ‘Anong korona?’

“Kasi lagi ko raw sinasabi, parang hanggang ngayon, wala pa siyang asawa, suot ko pa rin ang korona.”

Marami pa rin kasi na siya ang kinikilalang “forever wife” ni Vic.

Reaksiyon dito ni Dina, “No, para sa akin, di ba, sa Muslim lang yun that the first wife must agree?

“Hindi naman ako Muslim. Hahaha!

“Hindi ba, sa mga Muslim, kailangang mag-agree ang first wife?

“Hindi naman. Parang sa akin, from the time I got married [to her current husband], parang talagang nag-move on na ako.

“I’m already here going my own in finding my own happiness and supportive naman siya.

“Kapag nagkikita sila ni DV, parang ano naman siya, [Vic], ‘Hi, Gov!’ ganyan.

“Siya mismo ang lumalapit. Magshi-shake hands naman siya.”

Kahit mas bata si Vice Gov. Savellano, si Vic pa rin ang unang bumabati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, Vic is older. Vic is 62. My husband is only 57 yata.

“Teka, 54 na ako, three years older,” pagtatapos ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN