Vivian Velez bids farewell to staff of Tubig at Langis

Vivian Velez on her departure from the Kapamilya afternoon drama series Tubig at Langis: "I truly believe that everything happens for a reason and I am very confident that this is no exception."


Tuluyan nang nagpaalam ang veteran actress na si Vivian Velez sa staff ng ABS-CBN afternoon drama na Tubig at Langis na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Isabelle Daza.

Masasawi ang karakter na ginagampanan nito na si Conchita Beltran-Villadolid, ang ina ni Renato na ginagampanan naman ni Zanjoe, isang Linggo matapos nitong mag-resign sa nasabing programa.

Sa Instagram post ni Vivian nitong Sabado, March 12, ipinarating ng aktres ang kanyang pasasalamat sa staff ng Kapamilya show sa send-off party na ibinigay ng mga ito matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa programa.

Narito ang buong caption ni Vivian:

"My sincerest love to the staff of ABS-CBN show "Tubig at Langis" for your heartfelt send-off on my last taping day. I was deeply moved by your actions, kind words, and encouragement.

"I truly believe that everything happens for a reason and I am very confident that this is no exception.

"In an imperfect world, we must often pause once in a while to enjoy the small things in life that give us joy, happiness, and contentment in life.

"This will be a brief pause, until we meet again. With love, VV" ... #TubigAtLangis #ABSCBN"

Nitong March 6, ginulat ni Vivian ang lahat nang mag-post ito sa Facebook na magre-resign na ito sa Tubig at Langis dahil sa di umano'y hindi magandang pakikitungo ni Cristine sa kanya kabilang na ang pagpapaalis daw nito sa kanya sa dressing room at sa pagpaparinig nito kay Vivian sa patuloy nitong pagkanta ng ''Goodbye, Farewell.''

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Sa isang statement na pinadala naman ni Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi nito ang kabuuan ng istorya sa kanyang panig at nilinaw na hindi siya ang nagpaalis sa Vivian sa dressing room.

Ang statement ng Starstruck alumna:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To be very clear about it, I never requested anyone at any point for Ms Vivian to be transferred rooms.

"In fact, I gladly welcomed production’s request for her to share a room with me while her room was still unavailable. And despite the inconvenience I encountered while she was around, I had no intentions whatsoever of booting her out."

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Ipinagtanggol naman ni Ara Mina si Cristine matapos nitong marinig ang kuwento ng kapatid. Umaasa rin si Ara na magiging maayos ang lahat sa pagitan ng dalawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes hopes to 'clear the air' with Vivian Velez, says Ara Mina [gallery id="9361"][gallery id="9361"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN