Jake Vargas escapes vehicular accident unscathed; believes Kuya Germs still watches over him

Jake Vargas on his recent vehicular accident: "Kung tingnan mo ang kotse, kung paano nasira, nawasak, talagang may mangyayaring masama sa 'yo, e. Pero wala talaga, kahit galos. Sobrang miracle yung nangyari sa akin. Siguro ang iniisip ko rin, hindi ako pinabayaan ni God at siguro binantayan pa rin talaga ako ni Kuya Germs."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-decide si Jake Vargas kung ano ang gagawin niya sa kanyang career pagkatapos pumanaw ng kanyang talent manager at tatay-tayan na si German “Kuya Germs” Moreno.

Ang paniniwala ni Jake, nandiyan pa rin ang itinuturing niyang pangalawang ama na nagbabantay sa kanya.

Kagaya raw nung nakaraang buwan, kung saan naaksidente ang young actor habang nagda-drive ito ng kotse niyang Fortuner pauwi sa tahanan niya sa Subic.

Lahad ng Kapuso young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Galing po ako nun sa taping ng Buena [Familia], tapos diretso na ng Pepito Manaloto.

“Pauwi na ako nun ng madaling-araw, nagda-drive ako.

“Sa San Fernando ako dumaan kasi ayoko sa SCTEX, kasi madilim.

“Malapit na ako nun sa bahay, sa may Lubao na.

“Parang split seconds lang, e, nakatulog ako.

“Ang sabi sa akin, bumangga daw po ako sa may puno, tapos sumadsad ako sa may bahay ng kapitan dun.

“Yun ang sabi sa akin nung nakakita sa akin nung nabangga ako.

“Tulog na kasi ako nun. Nagising na lang ako bigla.

“Na-shock ako, hindi nga ako naka-seatbelt nun.

“Tiningnan ko ang sarili ko, wala akong sugat o kahit pasa.

“Pero sira talaga ang kotse. Wasak ang salamin, e, talagang wasak ang harap.

“Sinabi sa akin ng mga tao na tumulong sa akin kung ano ang nangyari.

“Sabi ko, ‘Sorry nakatulog ako, e. Hindi ko alam ang nangyari.”

Patuloy ng 23-year-old actor, “Kung tingnan mo ang kotse, kung paano nasira, nawasak, talagang may mangyayaring masama sa ‘yo, e.

“Pero wala talaga, kahit galos. Sobrang miracle yung nangyari sa akin.

“Siguro ang iniisip ko rin, hindi ako pinabayaan ni God at siguro binantayan pa rin talaga ako ni Kuya Germs.”

KUYA GERMS STILL TAKES CARE OF HIM. Naniniwala si Jake na hindi talaga siya pinababayaan ni Kuya Germs, kaya lagi raw niya itong kinakausap at isinasama sa dasal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman ang lagi kong pini-pray sa kanya na bantayan niya ako lagi,” sabi niya.

Minsan daw ay nakakaramdam siya ng malamig na hanging dumadaan sa kanya. Feeling daw niya ay nagpaparamdam ang namayapang Master Showman.

Kuwento ni Jake, “Hindi ako nakatulog nun, nung 40th day niya.

“Alam ko siya yun, e, na parang may dumaan na malamig na hangin sa akin.

“Na madaling-araw nun na hindi naman mahangin sa bahay namin, tapos namatay-sindi ang ilaw.

“Tapos alam mo yung mararamdaman mo na nandiyan siya.

“Para sa akin, nandiyan lang si Tatay, e. Hindi siya nawala.

“Pero nakaka-miss pa rin talaga si Tatay.”

Sa ngayon ay hindi pa makapag-decide si Jake kung sino ang magha-handle sa kanyang career.

Makikipag-usap daw siya sa GMA Artist Center na posibleng mag-manage na sa kanya.

“Iniisip ko nga na wala pa namang nagha-handle sa akin, nandiyan naman si Ate Lani [elder sister niya] na nagha-handle naman sa akin.

“Marami namang nag-o-offer sa akin, pero wala pa naman akong tinatanggap.

“Medyo natatakot lang ako na mag-trust agad.

“Sana mabigyan po ako ng magandang career, na maangat ko pa ang pagiging artista ko na ma-improve ko pa lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN