Paolo Contis calls LJ Reyes "love"

LJ Reyes expresses her feelings for rumored boyfriend Paolo Contis, who is celebrating his birthday today, March 14.


Bakas ang pagiging espesyal sa isa’t isa nina Paolo Contis at LJ Reyes sa mga simpleng palitan nila ng mensahe sa Instagram.

Binati ni LJ sa kanyang Instagram account ang napapabalitang boyfriend na si Paolo, na nagdidiwang ng kanyang 32nd birthday nitong Lunes, March 14.

Hindi man itinatanggi ng dalawa na may espesyal na namamagitan sa kanila, hindi nila direktang isinasapubliko ang kanyang relasyon.

Pero sa Instagram post ni LJ nitong Linggo, March 13, hindi maikakaila ang espesyal nilang relasyon.

Caption ni LJ sa nasabing Instagram post, kung saan may larawan ni Paolo at ang kanyang dalawang anak na babae, habang hawak ang birthday cake: “God's timing is always the perfect one! I couldn't be more grateful and happy for you @paolo_contis! Happy birthday!!!”

Sagot naman dito ni Paolo: “Thank you, love.”

Noong December 2015, inamin ni LJ na “masaya” kung anong meron sila ni Paolo, pero hindi tahasang sinabi kung may relasyon sila.

Read: LJ Reyes opens up about relationship with Paolo Contis

January naman ng taong kasalukuyan nang magtungo ang dalawa sa US, at ipinagdiwang ni LJ ang Bagong Taon kasama ang kanyang mga kaanak at si Paolo.

Read: LJ Reyes, Paolo Contis spend Christmas in New York

May dalawang anak na babae si Paolo sa dating asawa na si Lian Paz, dating EB Babes member, habang may isang anak na lalaki si LJ sa dating karelasyong si Paulo Avelino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN