Louise delos Reyes: "I'm seeing someone and I'm happy."

Louise delos Reyes hides her current love in plain sight, calling him her mystery guy in her social network postings. "Nasa tabi ko lang siya, he's supporting me. Parehas kaming naghihintay lang… basta, professional siya."


Hindi itinatanggi ni Louise delos Reyes na mayroon siyang boyfriend ngayon.

Pero pagkakataong ito, gusto raw ni Louise na maging pribado naman ang kanyang love life.

Paliwanag niya, “For a change, the past relationships that I had, medyo public, medyo publicized siya. 

“This time, gusto ko na mas private lang, hindi naman maiiwasan na makikita sa public places. 

“Pero kung manggaling sa akin, siguro mystery na lang kung anong meron.”

Ang mystery guy sa buhay ni Louise ngayon ay binabanggit niya minsan sa message postings niya sa Instagram.

Pag-amin niya, “I’m seeing someone and I’m happy.

“Pero I’m really focusing on myself, on my personal growth. 

“Parang nasa tabi ko lang siya, he’s supporting me, parehas kaming naghihintay lang.”

Sabi pa niya, “He’s a professional… basta, professional siya. 

“Pupunta rin tayo diyan, next time na para meron pang maisulat.”

Bagamat hindi binabanggit ni Louise kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, marami ang naniniwalang ito ay ang lead vocalist ng bandang Hale na si Champ Lui-Pio.

US VACATION. Samantala, nagpaliwanag naman si Louise kaugnay sa isang buwan niyang bakasyon sa Amerika.

Brooklyn. [01.05.16]

A photo posted by LDR (@louise.dr) on

Pahayag ng Kapuso actress, “Kasi may petition kaming family, and then eventually, nawala na rin yung petition. 

“Sabi nila, 'Try mo lang na pumunta ng States.' So, sakto, holidays naman.

“First time kong umalis ng bansa away from my family.”

At yun namang mga pagliliwaliw niya sa mga beach sites sa Pilipinas?

Sabi ni Louise, “Wala lang, parang make the most of my time.

“Parang nasa bahay lang ako, I’m not doing anything. 

“And sobrang nakaka-stress, lalo na nung December, November… sobrang trapik kaya kailangan kong mag-release ng tension.

“So, ang getaway ko is to go to the beach.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN