Jessy Mendiola traumatized by second breakup with JM de Guzman

Jessy Mendiola on her past controversies: "It's traumatic. But you know, you move on one step at a time. For me, I'm slowly getting there."


“Wala po sa isip ko ang love life. Self muna at work.”

Ito ang sagot ni Jessy Mendiola nang tanungin kung posible bang magkaroon sila ng relasyon ng kapareha niya sa ABS-CBN primetime series You're My Home na si JC de Vera.

Sa press conference para sa finale ng You're My Home kagabi, March 14, sinabi ni Jessy na mas nagugustuhan niya ngayon ang mga pangyayari sa kanyang buhay.

Ito ay matapos ang matitinding kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2015, kasama na ang muling paghihiwalay nila ni JM de Guzman.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Parang ang dami kong na-discover sa sarili ko ngayon.

Parang napamahal ako sa scuba diving o kaya ang hilig ko pala sa dagat o kaya ko palang mag-kayak mag-isa or snorkeling.

Siyempre, if you come from that point in your life, na sobrang low mo, biglang darating yung maa-appreciate mo yung unti-unti kang makakabangon mag-isa, kasi nahahanap mo ulit ang sarili mo.

I could say now that I know myself better.”

Inamin din ni Jessy na hindi biro ang pinagdaanan niyang ito.

“It's traumatic.”

Pero dugtong niya, “You know, you move on one step at a time.

“For me, I'm slowly getting there.

It's helping na may ganito, may work ka o may napapasaya ka, may mga kaibigan ka and your family.

Of course, you have to believe in yourself to love again.

“You know, if you don't believe in it again, hindi mo na rin maiisip na, 'Talaga? Magmamahal pa ba ako?'

May mga moment akong ganyan, e.”

STILL WILLING TO FIGHT FOR LOVE. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, hindi naman daw nawawala ang paniniwala ni Jessy pagdating sa pag-ibig.

I am ready to fight for love.

“But, you know, as they all say, 'The flower doesn't go for the bee. It waits for the bee,'” sabi ng 23-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “You know what's funny, kapag alam mong naghihintay ka for the right guy, mas marami kang napapansin sa sarili mo na you want to improve for that right guy.

Kumbaga, tama lang kayo sa isa't isa. Buo ka na kapag nandiyan na siya, tapos siya rin buo na.

I really think there's someone meant for someone in this world.”

Naniniwala si Jessy na ang pag-ibig pa rin ang kasagutan sa halos lahat ng problema sa buhay.

As long as yung love na 'yon is good for you.”

Pero may limitasyon daw ito.

“I mean, kung yung love na 'yon ay hindi na nakabubuti sa 'yo, tipong nagkakaroon ng distraction or paghihirap sa sarili mo at sa taong karelasyon mo, I think it's better to let go.

Pero I agree it's almost the answer to everything, even for yourself.

Always remember to love yourself. Kasi minsan, kapag sumusobra ang pagmamahal mo sa isang tao...”

Ito ba ay base sa kanyang personal na karanasan?

Nakangiting sabi ni Jessy, “Oo naman.

“I think every time I have a presscon or halos lahat ng itanong sa akin, lahat ng sagot ko, talagang galing sa personal experience, may hugot talaga.”

Sa kabila nito, tumanggi naman ang aktres na pag-usapan pa ang dati niyang boyfriend na si JM.

“Huwag na lang natin pag-usapan kasi nananahimik na siya.

Huwag na lang natin ipilit, kasi baka sasabihin na naman na user ako, maba-bash na naman ako.

Pero kasi, he's been part of my life and my heart. He's very dear to me.

“So I hope huwag na lang natin i-touch yung area na 'yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN