Humarap si Diego Loyzaga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ipaliwanag ang kanyang panig sa gulong kinasangkutan niya noong Linggo ng madaling-araw, March 13, sa The Palace Pool Club, sa Bonifacio Global City, Taguig.
Si Diego ay inakusahan ng magkapatid na sina Wilmer Paolo Lopez, 18, at Wilmer Angelo Lopez, 19, na kasama sa nambugbog sa kanila.
Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club
BEING KIND AND CORDIAL. Kasama ang kanyang dalawang abugado, may lungkot sa mukha ni Diego nang humarap sa amin sa isang exclusive interview nitong Martes ng gabi, March 15, sa Star Magic office, sa ELJ Building ng ABS-CBN.
Inusisa ng PEP kay Diego ang kanyang bersiyon sa nangyaring insidente noong Linggo ng madaling-araw.
Panimula ng dating Pangako Sa ‘Yo star, “We came from a previous party, from Julian Estrada’s party which is... which is kasama ko si Julian Estrada sa Pool Club, which is wrong.”
Ang tinutukoy ni Diego ay ang unang lumabas na report sa PEP base sa salaysay ng kampo ng Lopez brothers.
Paglilinaw ni Diego, hindi niya kasama si Julian sa Palace Pool Club.
Nanggaling daw sila ng mga kaibigan niya sa party ng kapatid ni Julian sa Emar Suites, sa Shaw Blvd., Mandaluyong City, bago sila nagtungo sa Palace Pool Club.
Pagpapatuloy ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, “We left there around 1 or 2 in the morning and arrived at The Palace Pool Club at around 2:30 A.M.
“That's when we got our table, at the front. Sa may harap ng Palace Pool Club.”
Dito raw ipinakilala ng isang mutual friend ang Lopez brothers sa grupo nila.
“And so everything was fine because taga-CSB [College of Saint Benilde] sila.
“And it's like a mutual thing na when you’re from the same school na parang to be kind [and cordial]... parang makisama sa kanila.
“So I told them to come sit down in our table, let's drink together. I even got a bottle for all of us.
“And we all drank until the wee [hours] of the morning.”
THE ACCUSATIONS. Sa isang punto ay may isang babae raw mula sa grupo ng Lopez brothers na tila gustong magpa-picture sa kanya.
Salaysay ni Diego, “It came to a point na maggu-goodbye-yan na ata, e. It was time to leave.
“This is when may ipinakilala silang girl sa akin or nagpa-picture yung girl, na kasama ng Lopez brother [Wilmer Angelo], sa akin.
“I didn't know at that time, of course, na sila [magkarelasyon]…
“Actually, until now, I don't even know kung sila nga talaga, e.
“Kasi ang kuwento sa akin na parang binabantayan lang ng lalaki na yun yung girl.
“Now, they’re accusing me that I harassed the girl.”
Sabi pa niya, “Actually, three different statements have been said.
“Unang-una, na-harass ko siya.
“Another one is I groped her in a way.
“Another one is that yung pagkabeso ko sa kanya was malicious...
“So, I was accused of three different things na hindi na consistent yung accusations nila sa akin.
“So, I wanted to clear that out na, unang-unang, wala akong ginawang masama sa babae.
“Na nung tinanong yung babae, she even said to my friends na, ‘Wala namang ginawang masama si Diego sa akin.’
“Na parang pagka-goodbye niya sa akin or pagkabeso niya sa akin, para siyang napadapa.”
Nilinaw ni Diego na ang kanyang pahayag ay base sa pagkakaalala ng kanyang kaibigang kasama niya sa Palace Poll Club, dahil aminado siyang nakainom na siya noong mga oras na yun.
Pero hindi naman daw siya intoxicated o sobrang lasing.
Sabi pa niya, “This is a statement coming from my friend, because in all honesty, I don’t really remember this girl that night. She wasn’t a big part of the night.
“Maybe I remember vividly her taking a photo with me. And this triggered one of the Lopez brothers [Wilmer Paolo] to grab me by the shirt, by the jacket.
“And he flung me to the ground na I did not know who this person was, who did it at that time.”
DEFENDING HIMSELF. Nung sinuntok na raw siya, ang unang naging reaksiyon ni Diego ay depensahan ang sarili na hindi na masuntok pa nang sobra-sobra.
“So, in my reaction, in self-defense, yung pagkabagsak ko, I kinda stood up and made sure that no more punches will be thrown at me.
“'Coz I was expecting someone to start pounding on me already.
“Yung pagkabagsak sa akin, when I tried to stand up, I kinda pushed up to get the person off of me. Because I was afraid na magkakarambulan.”
Nilinaw rin ni Diego na hindi sa may restroom ng bar nangyari ang suntukan, kundi sa mismong table kung saan sila nakapuwesto.
“Pangalawa, sinabi dito [sa unang PEP report] na inabangan ko siya sa CR, which is absolutely false.
“Absolutely ang layo yun sinabi nila. It happened right there and then.
“Nung nakita nila na nakaakbay ako sa girl, after the photo taking, dun na nangyari yung gulo.
“So, when I stood up and I saw that it was Paolo, one of the brothers, nagkatinginan kami.
“Pero no violent reactions, nothing further occurred.”
Dito na raw sila nila nilapitan ng bouncers.
“So, sinabi ko sa bouncers, ‘Okay lang, boss, mag-uusap na lang kami.’
“And I said to him [Paolo] na, ‘Is it okay if we go outside and let's talk about it?’
“Kasi, if we do it here, it's gonna look like we’re causing a fight. We’re causing a scene.”
NOT A SINGLE SOBER PERSON. Ang ipinagtataka naman daw ni Diego ay kung bakit noong palabas na sila ng bar upang mag-usap ay biglang dumami na ang mga nakabuntot sa kanila.
“So, we started to head outside.
“While we were heading outside, yung grupo, dumami, e.
“Sobrang daming tao nang nakabuntot, nakasunod sa amin. At napansin ko talaga.”
Hindi naman masagot ni Diego ang tanong kung ilan sila sa grupo dahil marami raw silang kakilala na nasa bar nang dumating sila, kabilang na nga ang Lopez brothers.
Ipinakita pa nga sa amin ng Kapamilya actor, sa kanyang cell phone, ang group photo nila kasama ang Lopez brothers.
Ang kumuha pa nga raw ng nasabing larawan ay ang babaeng nagpa-picture sa kanya, base sa pagkakakuwento sa kanya.
Nilinaw namin kay Diego kung lasing ba siya nang mangyari ang insidente.
Tugon ng 20-year-old actor, “We came from a previous event so I cannot deny that we had been drinking.
“But they [Lopez brothers] have been there since 10 P.M. and this occurred at 2 A.M.
“So, hindi rin nila masasabi na hindi rin sila nakainom. And I also got them a bottle.
“So, imposible talaga na... walang makakapagsabi na sober po sila nung gabi na yun.
“So, lahat kami, we all had been drinking.
“Now, it's not true na intoxicated na kami, na we did not know what was going on because we were still able to talk, civilly.”
WHO IS PAOLO JARAMILLO? Dito na nabanggit ni Diego ang pangalan ng isang "Paolo Jaramillo" na lumalabas na nagsimula ng panibagong gulo sa pagitan ng dalawang grupo.
Nabanggit din ang Paolo Jaramillo na ito sa unang salaysay ng kampo ng Lopez brothers sa PEP at sa panayam ng isang "Henry" sa radio show ni Raffy Tulfo.
Read: Witness claims Diego Loyzaga did not start fight against Lopez brothers
Saad ng Star Magic talent, “The next day ko na nalaman ‘to, pero isasama ko na... kasi this is the series of events of what happened.
“There was another Paolo involved [in this incident]. His name is Paolo Jaramillo.
“And apparently, his girlfriend... kasi nauna kami ni Paolo Lopez lumabas, tapos sumunod yung mga kaibigan ko siyempre.
“Siguro nauna itong Paolo Jaramillo, nakabuntot siya sa amin.
“Nabangga o nasagi yung girlfriend niya ng isang, apparently so, companion ko, isa sa mga kaibigan ko, which pissed off Paolo Jaramillo.
“I didn’t know at that time and I had nothing to do with it.
“But this girl reacted and she suddenly said na, ‘Grabe, pati babae, sinasaktan ng mga ‘to.’
“So, parang yung grupo ko yung nagmukhang masama.”
Patuloy na kuwento ni Diego, “Outside na, we reached outside, I talked to Paolo [Lopez] and we agreed na it was just a misunderstanding, everything was fine.
“And like it was said in the report, nag-shake hands kami, nagyakapan kami. And everything was fine.”
Pero muli raw sumiklab ang gulo dahil kay Paolo Jaramillo.
Sabi ni Diego, “Until, napansin ko, itong si Paolo Jaramillo, apparently called for resbak.
“Because nakita namin sa may gilid namin, sa may kaliwa namin, may nagsusuntukan na.
“So, I ran to the aid of my friend, kasi nakilala ko na kaibigan ko po yung nakikipagsuntukan, si JC Arroyo.
“And when I saw him, he was already on the ground, and nakita ko po na tumakbo na yung kalaban niya.
“Yung kalaban niya po, isang malaki na may edad nang lalaki, na medyo hindi kaedad namin. Kitang-kita at halata naman yun, so nagulat kami.
“Dun kaming magkatropa na we were all emotional about that, we got upset na binugbog yung isang kaibigan namin.
“'Cause we're all wondering why. Because the reason we went outside was just for me and Paolo to talk.
“So, bakit may resbak bigla? Bakit may isang Paolo Jaramillo na parang nagha-hover lang siya around the area of where we were?
“So, when I went back, apparently my friend was saying that he was hiding something behind his back, si Paolo Jaramillo has something behind his back.
“And when asked kung ano yun, sabi niya susi niya lang daw.
“When asked why he was hiding it behind his back, he did not reply anymore.
“And parang he kinda drifted away. He just stayed back.
“Pero siya pa yung unang nagturo kay JC, na ‘Yan yung taong ‘yan, 'yan yung upakan niyo.' Gumanun siya.
“So, siya talaga ang nagtawag ng resbak.”
IT CAN’T BE A COINCIDENCE. Binalikan daw ni Diego si Paolo Lopez upang tanungin kung sino si Paolo Jaramillo.
“So, I went back to Paolo Lopez and kept asking him, ‘Who were these people? Akala ko ba mag-uusap lang tayo? Bakit may ibang mga taong nakisawsaw, nakisali? Bakit may ganun?'
“We were far away. I was far from Paolo when I was asking him these questions.
“Pero paulit-ulit na ako, 'Sino ba, sino ba talaga?'
“Na it became quite aggressive the way I was asking, ‘Sino ba talaga ang mga 'to kasi alam namin na alam mo?’
“It can’t be a coincidence na someone was waiting outside na nakaabang lang sa amin para upakan kami, di ba?
“Until all of a sudden... I was hit on the jaw. I was hit on my nose. Napahiga ako.”
Next: Part 2 of PEP exclusive interview with Diego Loyzaga