Regine Velasquez supports proposed 12-hour workday limit to TV and movie workers

Nagpahayag ng kanyang concern si Regine Velasquez kaugnay ng hinaing ng production people na mas matagal pa ang working hours kesa sa mga artista at direktor. Hangad din ni Regine na magkaroon ng maayos na pag-uusap sa network at movie producers.


Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa natuwa sa balak na ipasang bill ng senator at vice-presidential aspirant na si Chiz Escudero na gawing 12-hour workday limit ang movie and TV workers.

Ipinost pa nga ni Regine ang news item na ito sa kanyang Instagram account, na may caption na “Praying for this,” at itinag kay Heart Evangelista, mister ni Chiz.

Praying for this ????? #healthisweath @iamhearte ???

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Sabi ni Regine, “Happy nga ako dun. Sabi ko nga, we’ve been praying about it.

“Sana, ang gusto lang naman namin, ma-regulate ang working hours.

“Sa akin, ang 12 hours, I don’t think is enough for the production. Masyadong maikli.

“Sa akin, medyo maikli pa iyun.

“Sana i-regulate lang. Let’s say 7 A.M. to 12 midnight… 16 [hours] ba yun? O kahit gawin pang 6 A.M. to 12.

“Basta may cut-off na hindi ka na lumagpas ng 12 [midnight].

“Kasi pag 1 o’clock na, you are so useless.

“Tapos, every day ganun ka?

“Basta i-regulate lang naman.”

Alam ni Regine na matagal nang isyu ito sa mga artista, dahil matagal na raw itong ipinaglalaban ng Actors’ Guild.

“Sa Actors’ Guild, they’ve been working on this for the longest time. It’s not like wala namang gumagawa ng paraan, meron!

“They’ve been trying to do something.

“Kaya lang… e, ganun talaga. Parang hindi pa nadidinig yung boses.”

Dagdag pa niya, “Ang Actors’ Guild, nagta-try namang ayusin ang working condition ng mga actors, kasi na-experience nila ito first hand, e.

“I’m actually happy that Chiz… kasi siyempre asawa niya si Heart, kaya alam niya ang kundisyon ng asawa niya pag nagtatrabaho.

“Pero bill pa lang ito. So, dadaan pa ‘yan sa napakahabang proseso,” saad pa ni Regine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa grand launch ng kanyang upcoming primetime series sa GMA Network, ang Poor Señorita, na ginanap nitong Miyerkules, March 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO LONG WORKING HOURS. Sa panig ni Regine, matagal na niyang pina-practice ang cut-off dahil hindi raw talaga niya kaya ang magdamagang taping.

Lahad niya, “Ako, actually, hindi ako affected. Kasi ever since, may cut-off talaga ako.

“Because I’ve been suffering from migraine, at talagang pag umabot ako ng 2 o 3 A.M., talagang hindi mo na ako mapapakinabangan the next day.

“May sakit na ako nun. The following day, hospital na ako nun.

“Kasi migraine talaga, plus kumakanta pa ako.”

Ang concern lang daw ni Regine ay ang karamihan ng mga artista na may ganung hinaing at ang production people na mas matagal pa ang working hours kesa sa mga artista at direktor.

Hangad din ni Regine na magkaroon ng maayos na pag-uusap sa network at movie producers.

Sana maging mahinahon lang daw ang lahat at hindi magkaroon ng marahas na paghaharap.

Saad pa ng Asia’s Songbird, “Natatakot lang, a lot of us, ayaw namin ma-offend ang network.

“We don’t want to… parang seems like demanding na dapat ganito lang.

“I think we just have to be strong, one.

“Two, we have to be united.

“Three… kasi a lot us, emotional, galit.

“Siguto to be calm and not to see or think na the producers and the networks are our enemy, no!

“Kasi kakampi nga natin sila. Sila ang nagbibigay ng trabaho sa atin.

“So, dapat huwag natin silang tingnan na ganun.

“Dapat ang aim natin is for the betterment of everyone na, kumbaga, magiging beneficial to everybody.”

Ang tinutukoy ni Regine ay ang bugso ng damdamin ng mga taga-industriya dahil sa magkasunod na pagkamatay ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Pasion dahil sa cardiac arrest at heart attack.

Sinasabing malaking dahilan ng pagkamatay ng dalawang direktor na ito ay dahil sa stress at mahabang oras ng trabaho sa kani-kanilang tapings at shootings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NETWORK’S SIDE. Sa presscon ng Poor Señorita na rin namin hiningan ng reaksiyon ang senior vice president for Entertainment TV ng GMA Network na si Ms. Lilybeth Rasonable kaugnay sa isyung ito.

Aniya, “Sa totoo lang, yung 12 [hours working limit]… baka puwede pang pag-usapan.

“Kasi lahat naman puwedeng pag-usapan with the artist, with the network, the producers, and everybody to come up, or to arrive to the most workable na win-win for both the producers and the directors.

“Not only the directors but yung mga taong in front of the camera.”

Naiintindihan naman daw nila ang ipinaglalaban ng mga artista.

At ang sinasabi nga ni Regine, dapat i-regulate ang working hours ng lahat ng mga nagtatrabaho sa taping ng isang programa.

Pahayag dito ni Mr. Rasonable, “Siguro, admittedly, we have to… tingnan natin kung paano natin mapapaayos yung sistema para, kumbaga, ma-accomplish mo pa rin yung trabaho mo.

“Bilang producer, baka kailangan mo rin tingnan within your system.

“At the same time, those who are on camera, sinabi rin naman ni Ms. Regine, na kailangan mo rin tingnan ang sarili nila.

“Na if you want to regulate the hours, you also have to have the discipline na kunwari to come on the set na you know your lines, on time, hindi masyado ka matagal magpa-make-up o magbihis.

“Kumbaga, it’s not just one-sided na i-regulate mo yung time.

“Everybody has to discipline themselves to come up with the most workable working time na lahat ng tao naaalagaan.

“Kahit naman noon, ano naman talaga sa amin, ang mga producers, ang boss namin, ‘Tingnan niyo kung papa’no niyo pa maano ‘yan na, kumbaga, maging systematic kayo, maging mas efficient kayo.'”

Nilinaw rin ni Ms. Rasonable na kahit wala naman ang bill na balak ipasa ni Sen. Escudero, o kahit hindi pa ito naging batas, napapag-usapan na nilang maging maayos ang working condition sa lahat ng taping ng kanilang mga programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi naman yun instruction sa amin.

“But also, sinasabi na when you want to be systematic and efficient, and you have rules, you have to enforce them, di ba?

“Nasa enforcement yun na lahat kayo sinasabi na ito yung rule, sumunod tayong lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN