James Reid dismisses talk that JaDine is now the most popular loveteam

James Reid on declaring his love for girlfriend Nadine Lustre: "I really said that for the whole country to... that was because I was really serious. She knows that."


Ayaw tanggapin ni James Reid ang sinasabing naungusan na ng love team nila ni Nadine Lustre na JaDine ang iba pang love teams na halos kasabayan nilang sumikat.

Matapos ang matagumpay nilang teleserye sa ABS-CBN na On The Wings of Love at maging number one trending topic ang pag-amin nila sa kanilang relasyon, marami ang nagsasabing sila na ang number one love team ng bansa.

Pero ayon kay James, “Well, I can't say na we're number one.

“Just because we have a lot of projects or we have a lot of noise, hype.

“I don't think that noise decides… it doesn't mean we're better.

“It’s just, right now, there’s a lot that’s happening.

“Based on noise, but it doesn't make us better actors or better people.”

Sa mga magagandang nangyayari ngayon sa kanilang career at personal na buhay, mayroon ba siyang kinatatakutan?

Sagot ni James, “I don't think we're... of course, we have some fears.

"But there's so much good things happening right now.

“Tomorrow [March 16], we leave for our world tour, and after that, maybe mini-vacations.”

Ngayon ay nasa Dubai na sina James at Nadine, at pagkatapos nito ay pupunta sila sa Qatar.

Pagkatapos ay didiretso na sila sa Paris, London, at Milan.

Ang balik nila ay sa March 31 na. Pero aalis ulit sila sa May 12 para sa second leg ng kanilang world tour sa Canada at USA.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa set ng pelikula ni Nadine na This Time, sa location shooting nito sa may ng TPLEX, sa Tarlac, noong March 15.

NEW DISCOVERIES. Dahil sa matagal silang magsasama sa ibang bansa, sa tingin ba nila ay mayroon silang mga bagong madidiskubre sa isa't isa?

Sagot ni James, “We're close even before we were together.

“Now it's just like... it's only been one month [their relationship], but it feels like we've been together for years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay kilalang-kilala na nila ang isa't isa?

“She knows when I'm moody, when I want to be alone.”

Sino ba ang mas nagseselos sa kanilang dalawa?

“There has been no reason to be...

“Actually, meron siyang dream, and it’s a dream na she's jealous,” pambubuko ni James sa girlfriend.

Katatapos lang ng kanilang first monthsary bilang magkasintahan noong March 11.

Pero noong March 13 na sila nakapag-celebrate nito sa Antonio's Garden sa Tagaytay dahil halos araw-araw silang nagsu-shooting.

Itutuloy raw nila ang kanilang selebrasyon sa pamamagitan ng tour sa Paris na regalo ni James kay Nadine.

Pero ayaw i-reveal ni James kung ano pa ang sorpresang ibibigay niya sa kanyang girlfriend.

Ang hindi itinago ni James ay ang kanyang nararamdaman bago pumunta sa shooting ng pelikula nilang dalawa.

Aniya, “It's different now because I always look forward to going to work.

“Especially when we have those really gruelling taping days, long hours, no sleep.”

SONG FOR NADINE. Sa puntong ito ay naitanong namin kung ano ang masasabi ni James sa mga nagsasabing gimik lang ang pag-amin nila ni Nadine sa kanilang relasyon.

Nangingiting sagot ng Kapamilya hunk, “You know, I just think it's funny.”

Ibig bang sabihin nito ay natagpuan na niya ang kanyang ‘forever’ sa katauhan ni Nadine, katulad ng linya sa kantang isinulat at ipinost niya sa kanyang Instagram account?

Ayon kay James, “I wrote that song for her, especially for her.

“I’m gonna go really deep...

“It's like, oh my God, when people say forever, it’s... when you're in love, it feels like it's forever 'cause it's romantic.

“The idea that something could be forever is romantic.

“It's like forever, that's why I used the word.”

Kaya nga raw hindi siya nahiyang ipaalam sa buong mundo na mahal niya si Nadine.

“I really said that for the whole country to... that was because I was really serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She knows that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN