Teresa Loyzaga thanks supporters of son Diego amid mauling incident

Teresa Loyzaga expresses support for son Diego Loyzaga by posting a quote about supporting a child all the way.


Nagpahayag ng pasasalamat si Diego Loyzaga sa kanyang mga tagasuporta sa gitna ng pinagdadaanan niyang kontrobersiya.

Matatandaang nasangkot sa isang gulo ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga noong Linggo ng madaling-araw, March 13, sa The Palace Pool Club, Bonifacio Global City.

Inakusahan siya ng magkapatid na sina Wilmer Paolo Lopez (18) at Wilmer Angelo Lopez (19) ng pambubugbog diumano sa kanila, sampu ng kanyang mga kasama noong gabing iyon.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Naglabas ng kanyang panig si Diego at sinabing hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kanya.

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 1): Diego Loyzaga finally airs his side on mauling incident

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 2): Diego Loyzaga claims receiving death threats from Lopez camp

Matapos ilabas ang kanyang panig, nag-tweet ang aktor upang pasalamatan ang mga nagbigay ng suporta sa kanya.

Sa kanyang tweet noong Martes, March 15, sinabi ni Diego na nakapagpalubag ng kanyang loob ang suportang ipinakita ng mga naniniwala sa kanya.

TERESA LOYZAGA. Samantala, hindi na sinagot ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ang bashers na bumabatikos sa kanyang anak sa Instagram account ng aktres.

Mas pinili ng aktres na maging positibo at pinasalamatan din niya ang netizens na nagtanggol sa anak.

Tanging “thank you” at heart emoticons ang naging sagot ng aktres sa mga dumidepensa sa anak.

Sa kanyang pinakahuling post nitong Huwebes ng hapon, March 17, isang quote ang inilagay ni Teresa sa Instagram account niya.

Dito ay ibinahagi niya ang kanyang damdamin tungkol sa pinagdadaanan ni Diego.

Ayon sa quote: “The only time you turn your back on a child is for them to hop on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN