Nadine Lustre still befuddled by the popularity of JaDine: "We don't know what to say."

For Nadine Lustre, it's not a sacrifice to be working tor the sake of her family because she's enjoying what she does. But something has to give, "Siguro po, time… I don't get to see them [her family] kasi I'm working, but this is for them."


Second chance nang maituturing ang tinatamasang tagumpay ngayon ng reel- and real-life couple na sina Nadine Lustre at James Reid.

Si James ay naunang bigyan ng pagkakataon nang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 ng ABS-CBN.

Si Nadine naman ay nagsimula bilang miyembro ng all-female group na Pop Girls, at naging bida sa ilang programa sa TV5 tulad ng Bagets at P.S. I Love You.

Ngunit umalagwa lang ang kanilang career nang pagtambalin sila sa pelikulang Diary Ng Panget noong 2014.

At lalo pa silang minahal ng mga tao dahil sa teleserye nilang On The Wings of Love sa Kapamilya network.

Ano ang pakiramdam nila na dahil sa OTWOL ay ang dami biglang naging fanatics ng JaDine loveteam?
 
Sagot ni Nadine, “We really feel very blessed kasi nga po naibigay sa amin ang OTWOL.

“It’s an unforgettable project po talaga. Iba, e, yun talaga yun.”

Ano ba ang magic na meron ang JaDine at minamahal sila ng mga tao ngayon?
 
“We don’t know the answer... we don't know what to say!” natatawang sabi ni Nadine.

STILL HUMBLE. Marami ang natutuwa na sa kabila ng kasikatan ngayon ng loveteam na JaDine ay napapanatili nina Nadine at James ang pagiging humble.

Mismong si James ang pumuri sa kanyang girlfriend at sinabing hanggang ngayon ay wala itong alalay at driver.
 
Paano kung inuumaga si Nadine, hindi siya natatakot mag-drive lalo na kung wala pa siyang tulog?
 
Sagot ng Kapamilya actress, “Kapag ganun po, sinusundo naman po ako ng dad ko.”
 
Mas gusto raw talaga ni Nadine ang ganito na nag-aasikaso ng halos lahat, pati pagbubuhat ng gamit niya at nagda-drive.
 
“Well, I told myself po kasi before that I don’t wanna change.

“This is me. I mean, eto ko, why would I change, di ba?”
 
Wala siyang diva tantrums?
 
Natawang sagot niya, “Well, I guess I get tantrums kapag pagod na, and it’s normal naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi mo na kaya, there are times na super may sakit na ako but I have to work.
 
“I had to sleep lang ng mga few hours, pero not naman tantrums na super OA.”

BREADWINNERS. Katulad ni James, si Nadine din ang breadwinner sa pamilya nila.
 
Ano ang masasabi niyang biggest sacrifice sa buhay niya?
 
Tugon niya, “I’m thinking po kasi, kung sacrifice itong ginagawa ko, because I want, e, gusto ko rin. I’m enjoying.
 
“Siguro po, time, kasi I’m always away from my family. 

“Parang almost every day I don’t get to see them, kasi I’m working, but this is for them.”

Ngayong Holy Week, posibleng nasa London ang dalawa. Doon na rin sila manggagaling para sa sorpresang side trip ni James kay Nadine, ang pagpunta nila sa Paris.
 
Kasabay ito ng isinasagawang world tour nila sa Middle East at United Kingdom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN