JC de Vera sets aside love to focus on his goal: "Gusto kong magbuo ng empire!"

JC de Vera has a blueprint for his life until he reaches 40, "Nasa stage akong talaga na nagbi-build ako ng pang-future ko. Nag-iisip ako, nagse-set na ko na, 'Ano ba ang gusto ko, five years or ten years from now, who am I, what do I have?'"


Pumatok ang team-up nina JC de Vera at Jessy Mendiola sa primetime series na You’re My Home, na matatapos in two weeks time.

May balitang magpapatuloy ang tambalan nila sa isang Star Cinema movie.

Lahad ni JC, “Right after You’re My Home, wala pang news kung ano ang follow-up.

“First time lang naming narinig nang sinabi ni Sir Mico [del Rosario] sa presscon na meron kaming meeting, baka raw next, next week.

“Hintayin niyo lang," sabay biro pa niya, “Sabi nga namin, ‘Principal office ba ‘yan?’”

Diretsahan namang tinanong si JC kung na-in love ba siya kay Jessy lalo pa nga’t ramdam ang chemistry nilang dalawa.

Nakangiting sagot ni JC, “Ako po talaga, work po talaga ang priority ko.

“And it would be unfair also for myself kung hindi ko i-grant yung mga opportunities na dumarating sa akin.

“Kumbaga, kung may chance ako na mabigyan ang sarili ko ng oras, ibibigay ko muna siguro sa akin.”

Baka dahil kaibigan niya si JM de Guzman kaya mahirap para sa kanyang ligawan si Jessy?

Hindi kaila sa publiko ang pinagdaanan nina JM at Jessy bago sila nagkahiwalay.

Ani JC, “Hindi, well, actually, it’s not my story to tell.

“Pero si JM, never na nag-cross ang path namin.

“Kasi newbie ako sa ABS-CBN, hindi pa lahat nakakatrabaho ko, hindi lahat nakakasalamuha ko.”

Hindi naman siya yung tumatalon-talon as far as his past relationships were concerned?

“Never, never po akong ganun kasi, forever good boy ako,” natawang sabi niya.

HAVING A LIFE. Matagal na rin sa industriya si JC pero masasabing hindi siya nasasangkot sa mga iskandalo o matitinding intriga.

Paano niya nagagawa yun?

“Kasi nga po, meron po akong life after work.

“Yung mga circle of friends ko, mga kaibigan ko simula noong kinder hanggang sa grumadweyt ako ng high school, nandiyan sila.

“Yung circle of friends ko, life after work, my family, my business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron talaga akong ibang pinagkaka-abalahan talaga, meron akong dalawang mundo.

“And I think, successful naman ako dahil nagagawan ko siya ng balance.

“Hindi ko naman masasabing hindi ako nag-e-enjoy sa buhay kasi kapag walang work, nag-e-enjoy naman ako sa iba ko pang ginawa.

“Lumaki rin po ako sa isang family na naturuan naman po kami ng magandang values.”

GOALS. Marami siyang mga kasabayan noon na ngayon ay may mga sarili ng pamilya.

Hindi pa ba niya nakikita ang sarili sa ganoong senaryo?

“Wala pa, wala pa,” saad niya.

“Although ako yung taong marami akong plans, gumagawa ako ng plans kasi ako yung goal-driven talaga.

“Very strict ako sa plans ko, nasa stage akong talaga na nagbi-build ako ng pang-future ko.

“Nag-iisip ako, nagse-set na ko na, 'Ano ba ang gusto ko, five years or ten years from now, who am I, what do I have?'”

Ano ang nakikita niya sa sarili limang taon mula ngayon?

“Five years from now, naka-ilang branch na siguro ko ng Burgery, mag-start ako ng build and sell.

“May sinisimulan ako ngayon, property investment, at saka build and sell.”

EMPIRE. Bakit puro career at business, walang love?

“Kasi, sabi ko sa sarili ko, papagurin ko ang sarili ko hangga’t kaya ko.

“Gagawin kong robot ang sarili ko para pagdating ko ng thirty-five, forty, relax na lang ako.

“Gusto kong magkaroon ako ng rest house na dito na lang ako forever.”

Wala siyang planong magpakasal, magpamilya?

“Meron, meron akong plano talaga,” sagot niya.

At saka niya idinugtong ang isa pang plano.

“Actually, gusto kong magbuo ng empire! Yun ang gusto ko.

“Magkaroon ako ng napakagandang business na kunsaan, makaka-survive ang two generations.

“Alam ko na very big dream yun, mahirap yun but it’s something to look forward.”

ANY VIDEO SCANDAL? Natawa si JC nang matanong kung may photo o sex video ba siya na puwedeng ma-leak?

“Alam niyo, kung meron akong mga ganyan, lumabas na ‘yan,” saad niya.

Maski noong mas bata pa siya, hindi siya nag-attempt na gumawa ng mga ganito?

“Na-enjoy ko yung youth ko,” paulit-ulit at natatawang sabi niya.

“E, kasi naman, noong generation ko, yung mga camera ng phone, hindi naman katulad ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nagkataon na high-tech na ang mga camera phones noong teenager siya, susubukan ba niya out of curiosity?

“Hindi naman, nagkataon lang na iba ang generation noon sa generation ngayon.

“Curious pa rin naman ako, pero responsible person ako, e.

“Kung meron, siguro meron na kayong nakita, may mga lumabas na.”

Anong masasabi niya sa mga sunud-sunod na aktor na na-involve sa video scandal?

“E, choice nila yun,” lahad niya.

“Palagi naman tayong may choice. Kumbaga, nasa kanila yun kung paano iha-handle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN