Benjamin Alves no comment on Pia Wurtzbach-Doc Mike rumored romance

Umiwas si Benjamin Alves na pag-usapan ang tungkol sa bagong development sa buhay ng naugnay sa kanya noong si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kuntento naman daw siya sa kanyang buhay at karera ngayong nakatakda siyang mag-celebrate ng ika-27 kaarawan.


“Huwag na, huwag na! Thank you.”

Ito ang natatawang pakiusap ni Benjamin Alves sa tanong kung ano ang reaksiyon niya na tila umamin na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na may espesyal na namamagitan sa kanila ng New Yok-based at tinaguriang “sexiest doctor alive” na si Dr. Mikhail Varshavski o Doc Mike.

Read: Pia Wurtzbach 'in a relationship' with Doc Mike?

Matatandaang bago pa man makoronahan bilang Miss Universe-Philippines at Miss Universe si Pia noong 2015, umamin sila ni Benjamin na madalas silang lumabas.

Hindi man exclusively dating, nagkaroon ng isang quick getaway sa Baguio ang dalawa noong August 31 hanggang September 2, 2014.

Read: Benjamin Alves says he and Pia Wurtzbach are not exclusively dating yet

Tanong muli ng PEP kay Benjamin: Ano ang reaksiyon niya at mukhang masaya na si Pia sa bago nitong 'karelasyon'?

Natatawa pa ring sabi ni Benjamin: “Wala, ito naman, o!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang Kapuso actor sa ginanap na advance birthday celebration nito, ngayong Biyernes, March 18.

Ginanap ang selebrasyon ni Benjamin, na inorganisa ng GMA Artist Center, sa Asia Pacific College, Magallanes Village, Makati City.

GOALS AT 27. Sa March 31 pa talaga ang kaarawan ni Benjamin pero marami na siyang nakatakdang lakad kaya idinaos na ito ng mas maaga.

Ngayong 27 years old na siya, may mga nais ba siyang ma-achieve ngayong taon?

Pahayag niya, “One of my goals is sana magamit ko yung course ko o yung degree ko and they’ve [GMA] done that. They did.

"They’ve been kind enough to give me… they made me an ambassador of GMA Network Excellence Award.

“So, that was one of the goals na magamit ko yung in some ways, in some form.

“So, nakamit ko naman yun.

“With career, again, GMA Network takes care of me, that’s why I’m having a birthday like this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN