Manny Pacquiao banned from entering The Grove mall in L.A. for anti-gay remarks

Manny Pacquiao was recently banned from The Grove, a retail and entertainment complex in Los Angeles, California, because of his controversial anti-gay statement. According to The Grove owner Rick Caruso, "Manny Pacquiao is no longer welcome. A lot of people from the gay community come to the Grove and they have a right not to feel uncomfortable."


Patuloy pa ring nararanasan ni Manny Pacquiao ang backlash ng kanyang anti-gay remarks na binitiwan sa media noong nakaraang buwan.

Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage

Pagkatapos makatanggap ng mga negative feedback at comments mula sa LGBT community, binitiwan din siya ng ini-endorse niyang international sports apparel brand na Nike.

Kelan lang ay ipina-ban si Pacman na tumapak sa The Grove dahil din sa kanyang anti-gay remarks.

Ang The Grove ay isang sikat na retail and entertainment complex na matatagpuan sa Los Angeles, California.

Noong nakita si Pacman kasama ang kanyang entourage na manonood sana ng sine sa The Grove pagkatapos ng kanyang training, hinarang sila ng security at sinabihang umalis na lang dahil hindi raw welcome sa lugar na iyon si Pacman.

STATEMENT OF HATRED.” Ayon sa may-ari ng The Grove na si Rick J. Caruso:

“Manny Pacquiao is no longer welcome.

“A lot of people from the gay community come to the Grove and they have a right not to feel uncomfortable.”

Dugtong ni Caruso, ang mga anti-gay remarks ni Pacquiao ay “statement of hatred.”

Hindi matanggap may-ari na kinumpara ni Pacman ang mga gays sa animals.

Nag-apologize nga raw si Pacman pero nag-post naman daw ito ng biblical verse sa kanyang Instagram account na "punishable by death" dapat ang homosexual acts.

SECOND BAN. Ito ang ikalawang beses na hindi pinahintulutang pumasok sa The Grove si Pacman.

Noong 2012 ay ginamit na raw ni Pacman ang parehong biblical quote regarding homosexuals sa isang interview with TMZ na ginawa sa The Grove.

“Based on news reports of statements made by Mr. Pacquiao, we have made it be known that he is not welcome at The Grove and will not be interviewed here now or in the future.

“The Grove is a gathering place for all Angelenos and not a place for intolerance," and tweet pa noon ni Caruso sa TMZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-lift lang ang ban noong kinatuwiran ng kampo ni Pacman na “misquoted” lang daw siya.

Pero dahil ginamit na naman niya ang parehong verse, pinatawang muli ng ban si Pacman sa natural lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN