Vice Ganda flies his family and friends to the US to reunite with his mom

Vice Ganda flies to the U.S., together with his family and friends, to surprise his US-based mom. This, Vice said, is the true meaning of success.


Naging madamdamin ang post ni Vice Ganda sa Facebook tungkol sa sorpresang ibinigay niya sa kanyang ina na naninirahan sa Amerika.

Bukod sa kanya, inilipad din ni Vice sa US ang kanyang mga kapatid, pamangkin, at ilang kaibigan nitong Linggo ng Palaspas, March 20 (March 21 sa Pilipinas), upang sorpresahin ang kanyang ina na si Mommy Rosario.

Ngayong Lunes ng hapon, March 21, nag-post si Vice sa kanyang social media accounts tungkol dito.

Sa Twitter, sinabi ni Vice na hindi tropeyo ang tunay na kahulugan ng tagumpay, kundi ang mayakap ang kanyang pamilya.

Isang mahabang status naman ang ibinahagi ng It’s Showtime host sa kanyang Facebook account.

Dito ay ikinuwento ni Vice ang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya, mula sa pagpanaw ng kanyang ama, na naging sanhi ng pagkawatak-watak nila.

Nahimok daw si Vice na kumayod sa hangaring mabuo ang kanyang pamilya balang-araw.

Kaya naman makalipas ang 26 taon mula nang pumanaw ang kanyang ama, lumipad si Vice, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, sa Amerika upang sorpresahin ang ina upang mabuo silang muli.

Ayon kay Vice, ito ang tunay na kahulugan ng tagumpay para sa kanya.

“Ngayon magkakayakap muli ang buong pamilya ko.

“Masaya ako sa kasikatang meron ako. Sa mga tropeyo at pagkilalang natatanggap ko.

“Pero ito ang TAGUMPAY na totoong hinahangad ko. Di ‘to malalaos. Di kailanman maluluma.”

Narito ang buong post ni Vice:

Linggo ng Palaspas 1991 ng pumanaw ang Tatay ko. Nalagasan ng isang malaking bahagi ang pamilya namin. Yun ang simula ng...

Posted by Vice Ganda on Monday, March 21, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN