Ai-Ai delas Alas gets bashed by AlDub fans

Hindi raw maintindihan ni Ai-Ai delas Alas kung saan nanggagaling ang pamba-bash sa kanya ng ilang fans ng AlDub. Pero deadma na lang daw siya rito: "Kaya naloka ako ay bakit ano meron susmaryosep ano ba naman 'yan…"


Umaani ngayon ng pamba-bash si Ai-Ai delas Alas mula sa maraming fans ng AlDub, ang tambalan nina Alden Richards At Maine Mendoza.

Nag-ugat ito sa isang video, na base sa diskusyon ng mga nagkomento sa Instagram account ni Ai-Ai, ay kuha raw ni Alden.

Ngunit may double meaning daw ang naging reaksiyon ng Philippine Queen of Comedy at ito diumano ang ikinagalit ng AlDub fans.

Komento ng ilan, nirereto raw kasi ni Ai-Ai si Alden kay Julie Anne San Jose, na kasamahan nila sa weekly comedy-variety show na Sunday Pinasaya.

Minsan na rin kasing na-link noon sina Alden at Julie Anne.

Dahil sa sabing video, kung anu-anong masasakit na salita ngayon ang ibinabato ng fans kay Ai-Ai.

Kahapon, March 20, sa live airing ng Sunday Pinasaya ay pabiro ring kinastigo ni Ai-Ai si Alden tungkol dito.

THE COMMENTS. Sa naging birong ito ni Ai-Ai, mas lalong dumami ang nagpu-post ng mga komento sa kanyang Instagram account:

Narito pa ang ibang mga komento:

about_me_nature_lover: “Madam @msaiaidelasalas ano po ung issue? Kww nman c @mainedcm wala nman po cyang gngwang msm unfair nman po ky meng ung issue..bat dw po binibiro nyo c @aldenrichards02 ky julie di b po tpos n ung issue..bat dw po bnibiro nyo pdn dw c tisoy ky julie..respeto n lng po ky Meng..tska nsgot n po ni tisoy di b wag n po ipilit salamat.”

mommylabeth: “Pinupush kase si alden ke julie, buti malamn nya minsan ang boundary nya sa pagsasalita ,, respetonlang sa gf ni bae ang hinihingi namane pls huwagbsi meng ang saktan mo nang aanh ka eh tapos si alden sisishin mo na nabbash ka.”

esmeralda.pagjunasan: “Korek kyo dyan. Respeto lng ms.ai para irespeto k.ng aldub nation alalahanin mo di ka panonorin at kikita sa my bebe love kung hindi sa aldub nation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

tisoylovesmeng23: “Ngayon ko lang napanood yung concert mo with alden, anak anakan daw pero yung pwet mo inaano mo sa ano ni tisoy... kadiriiiii ka Ms.Ai.pagnasaan ba pati si alden…”

bebz081077: “Napanood ko sa SPS sinabihan mo si Alden alam mo gwapo ka lang pero wala kang utak bat ganon kasali ba yun sa script? Respito naman oh!!”

FANS TO THE RESCUE. Marami rin naman ang nagtanggol sa 51-year-old comedienne.

mamanigabz: “Please stop the non sense, lets all be fair to the artists. Hindi nakakatulong kay A&M ang pagiging OA ng mga fans. Sabi nga do not over think idagdag nyo na rin ang do not put meanings on everything they say. Ni hindi nyo nga alam what they meant.

“Don't say anything about something you don't know. Uso ang resibo kaya dapat pag nagsalita ka against anybody may resibo ka. Si baeyaw john nga nagresibo eh kayo pa. Kung di maganda ang opinion nyo shut up and delete na lang, hahaha.

“Please don't bash @msaiaidelasalas, she is a certified and one of the first celebrity members of ADN. Nauuna pa sya kinikilig sa AlDub kesa sa atin just like JoWaPao and if meron syang gusto for A sa real life wala kayong magagawa but remember we all know that MaiChard is real so kahit sino pa ang gusto nila for A they can't do anything about it dahil alam natin sino ang love ni A. I don't see anything wrong din sa sinabi ni Ms. Ai.”

richmaine2016:@charmgarcia02 may iba pa po bang video kasi kahit ulit ulitin ko ung video ni alden wala akong narinig na sinabi ni ms ai na... ako lng ba kundi ang narinig ko kumanta lng cia ng...ang saya saya. @msaiaidelasalas oo nga po nagtataka nga po ako kung bakit nagkaroon ng issue kasi po wala talaga ako narinig na sinabi nio na ako lng ba, ang narinig ko po ung kanta nio, cencia na lng po sa mga basher, nauunawaan ko po kau na talagang kahit di nio pansinin mga basher, naapektuhan pa rin kau lalo na at di maganda ang sinasabi”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

chasariente: “Hindi kasi aldub nation yung ng bash kay @msaiaidelasalas mahal siya ng aldubnation kung sino nakatarbaho ni alden at maine mahal narin ng Aldub nation . @msaiaidelasalas ito lang naman po yung gusto kung malaman at sana masagut niyo totoo po ba na ayaw niyo kay maine. Kasi ayan po lagi kung nakikita sa mga comment na ayaw niyo daw kay maine at mas gusto niyo daw si japs. At alam ko po na gusto niyo po yung dalawa. Pero mas maganda na sainyo mismo mangaling yung sagot.”

AI-AI REACTS. Madami pang mga komento sa Instagram ng CelebriTV host at ilan sa mga ito ay kanya namang sinagot.


Samantala, ngayong araw ay nag-post si Ai-Ai sa Instagram ng kuha niya kasama sina Alden, Rocco Nacino, at ang boyfriend ng comedienne na si Gerald Sibayan habang naghihintay sa airport.

Sina Ai-Ai at Gerald ay pupunta sa US para sa series of shows, habang sina Alden at Rocco naman ay pupunta ng Canada para sa kanilang series of shows doon.

Kapansin-pansin naman sa comment section na may ilan pa ring namba-bash sa Comedy Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN