Robin Padilla's brother to be detained in New Bilibid Prison

Former Camarines Norte Gov. Casimiro "Roy" Padilla Jr. is ordered by the First Division Sandiganbayan to be transferred to New Bilibid Prison in Muntinlupa City.


Ibinasura ng Anti-Graft Court First Division ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Camarines Norte Governor Casimiro “Roy” Padilla Jr. na madetine siya sa provincial jail sa nasabing probinsiya.

Sa halip ay ipinag-utos ng Sandiganbayan na ilipat si Padilla sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon sa ulat ng GMA News online, nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) Crime Investigation and Detection Group (CIDG) si Padilla simula noong Biyernes, March 18, kasunod ng pagkaaresto sa kanya pagkatapos ng ilang taong pagtatago sa mga awtoridad.

Si Roy ay ang panganay na kapatid nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari.

Sa commitment order na inilabas ngayong Lunes ng hapon, March 21, ipinag-utos ng First Division na isailalim ang kustodiya ni Padilla sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa simula ngayong araw.

“I hereby commit to you the person of accused Casimiro A. Padilla a.k.a. Roy A. Padilla Jr. sentenced by this Court per Decision promulgated on November 27, 2012,” ayon sa commitment order na nilagdaan ni Associate Justice Reynaldo Cruz.

November 2012 nang mapatunayan ng First Division na guilty si Padilla dahil sa malversation of public property “over his failure to return to the provincial government a .45 caliber pistol and ammunition amounting to P7,462 issued by the Philippine National Police (PNP) in 1992 during his term as governor.”

Inapela ni Padilla ang ruling ng Sandiganbayan sa Mataas na Hukuman subalit pinanigan nito ang desisyon ng anti-graft court noong April 2014.

Hiniling ni Padilla sa First Division ang kanyang detention sa provincial jail sa Camarines Norte sa pamamagitan ng isang mosyon na isinumite niya, at inilahad na doon umano nangyari ang krimen.

Inilahad din ni Padilla na sa ilalim ng Revised Administrative Code of the Philippines, ang isang convicted person na nasentensiyahan ng maximum of three years na pagkakakulong o danyos na hindi hihigit sa P1,000 ay ikukunsiderang provincial prisoner at hindi national prisoner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ng First Division sa commitment order nito na nasentensiyahan si Padilla ng “minimum of four months and one day to a maximum of four years and two months of imprisonment,” taliwas sa claim ni Padilla na nasentensiyahan lang siya ng dalawang taon at apat na buwan na maximum imprisonment.

Sinabi ni Padilla na handa siyang harapin ang sentensiya niya pero idiniing politically motivated ang mga kaso sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN