Regine Velasquez on having second baby: "Masyado na yata akong matanda..."

Regine Velasquez: "If God gives us another child, I will be the happiest. Pero right now, parang ayoko na."


Hindi na raw umaasa si Regine Velasquez na masusundan pa nila ng asawang si Ogie Alcasid ang anak nilang si Nate.

Sa presscon ng pinagbibidahan niyang Poor Señorita noong March 16, binaggit ng Asia's Songbird na sobrang blessed na sila nang dumating sa buhay nila si Nate, na ngayon ay four years old na.

“Masyado na yata akong matanda para magkaroon pa ng isang baby.

“Forty-five years old na ako, e. Para kasing ang laki na ng gap.

 “But if God gives us another child, I will be the happiest.

“Pero right now, parang ayoko na.

“Remember, you guys kept asking me before kung kailan kami magkakaanak na ni Ogie?

"Lagi ko namang sagot, ‘Hindi ko alam.’

“Kasi, in my head, iniisip ko na baka hindi na nga ako magkaanak kasi majonders [old] na ako.

“Pero binigyan pa rin kami, magrereklamo pa ba ako doon?” pahayag ni Regine.

MISCARRIAGE. Ayaw naman nang pag-usapan ni Regine ang tungkol sa miscarriage niya.

Sa isang interview recently ay inamin ng Asia's Songbird na nakunan siya bago pa man sila ikinasal ni Ogie noong December 22, 2010.

Minsan lang daw niyang naikuwento ito at tama na raw iyon.

“If you don’t mind, I don't wanna talk about it na.

“Tutal it came out na. Baka ma-depress lang ako. I don’t wanna talk about it na.

“Hindi ko naman siya itinago, but it’s really very personal na I didn’t think na worthy pa... alangan namang i-announce ko pa.

“It’s just that si Arnold [Clavio] asked the right question that’s why it came out.

“If you don’t mind, I don’t wanna... well, I didn’t tell him the details.

“I just said that happened and that’s that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN