Karla Estrada to KathNiel bashers: "Bato-bato sa langit, ang tamaan ay inggit."

Idinadaan na lang sa biro ni Karla Estrada ang mga batikos na ibinabato sa anak niyang si Daniel Padilla at sa ka-love team nitong si Kathryn Bernardo dahil sa pag-endorso ng dalawa sa kandidatura ni Mar Roxas. Payo rin ng ilang fans, deadmahin na lang ang mga ito ng tinaguriang "Queen Mother."


Alam ni Karla Estrada na bawat kibot nila ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ng ka-love team nitong si Kathryn Bernardo ay binibira ng bashers.

Lalo na raw ngayong campaign period, alam niyang samu’t saring pambibira ang ibabato kina Daniel at Kathryn dahil na rin sa pagsuporta nila sa kandidatura ni Mar Roxas sa pagka-presidente.

Watch: Karla Estrada on KathNiel bashers: 'Sobrang ang sarap-sarap sagutin niyan!'

Minsan ay nais na niyang patulan ang mga ito, pero nagpipigil lamang ang tinaguriang “Queen Mother.”

Ngayong Martes, March 22, idinaan na lang ni Karla ang lahat sa isang nakakatuwang post sa Instagram.

Sabi ng ina ni Daniel: “Habang puro NEGA Ang iba.. Eto sila Ang Saya Saya!!! Kakainggit nga naman di ba??!!???bato bato Sa langit Ang tamaan ay ingit!!”

Sa comment section, sabi ng maraming KathNiel fans na tama ang ginawa ni Karla na deadmahin na lang ang bashers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN