Karla Estrada happy about current relationship of son Daniel Padilla with Kathryn Bernardo

What does Karla Estrada think about bashers of KathNiel: "Baka malungkot ang kanilang childhood."


Nananatili ang desisyon ni Karla Estrada na hayaan ang kanyang anak na si Daniel Padilla pagdating sa pakikipagrelasyon.

Sa press conference ng upcoming concert niyang The Queen Mother in Concert kamakailan, muling natanong ang actress-singer tungkol sa estado ng relasyon ni Daniel at ng longtime onscreen partner niyang si Kathryn Bernardo.

Giit ng celebrity mom, “Ako, lagi kong sinasabi na hindi ko pangungunahan yung dalawa.

Yung anak ko lalo, kasi lalaki yung anak ko.

“So, kailangan, sa kanya manggaling.”

Isang paghahanda rin daw ito para kay Daniel sa pagiging young adult niya.

Ani Karla, “Since magtu-21 na si Daniel, i-practice niya ang pagiging responsible at magandang pagdedesisyon, at tamang pagdedesisyon.”

Gayunman, inamin ni Karla na masaya siya sa kung anumang relasyon mayrooon sina Daniel at Kathryn.

“Kung ako, kung nakikita ko naman na ang ganda ng samahan nila, hilahan pataas, hindi sila nega na love team.

“Happy na ako doon, huwag na tayo sumabay sa uso.”

Nitong Martes, March 22, isang masayang larawan nina Daniel at Kathryn ang ibinahagi ni Karla para umano sa mga bitter sa KathNiel loveteam.

Sabi niya sa caption: "Habang puro NEGA Ang iba.. Eto sila Ang Saya Saya!!! Kakaingit nga naman diba? Bato bato Sa langit Ang tamaan ay ingit!!?”

Sa press conference, sinubukang hingan ng mensahe si Karla para sa bashers ng KathNiel.

Pabiro niyang sabi, “Kailangan pa ba? Huwag na tayong magsayang.

“Alam mo naman, hindi sila nakapaglaro ng Chinese garter, piko, at saka jolens noong araw.

“Baka malungkot ang kanilang childhood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN