Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli sweet moments at a wedding caught in photos

Sarah Geronimo and boyfriend Matteo Guidicelli became the center of attention at a wedding that they both attended.


Nakaagaw-pansin ang magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang dumalo sila sa isang kasal nitong, Miyerkules, March 23.

Abay si Matteo sa kasal ng kanyang kaibigan, ang singer-songwriter na si Aries Sales, at ng girlfriend nitong si Mia.

Si Aries ang lead vocalist ng Pilipinas Got Talent Season 4 grand finalist na MP3 band.

Kasama rin ang kanyang kantang “Nyebe” na finalist sa 2016 Himig Handog P-Pop Love Songs.

Bukod kina Sarah at Matteo, namataan din sa kasal si KZ Tandingan at ang kanyang boyfriend, ang singer-songwriter na si TJ Monterde.

Ginanap ang kasal sa isang events place sa Quezon City.

Sa Instagram, makikita ang maraming photos nina Sarah at Matteo; may mga nagpakuha kasama sila, ang bagong kasal, at may stolen shots din.

Pero kung pagbabasehan ang mga larawan, sweet ang magkasintahan.

(Photo from Instagram)

May larawang nakahawak ang kamay ni Matteo sa tuhod ng Popstar Princess.

Sa isang larawan, nakaangkla naman ang kamay ni Sarah sa braso ng kanyang boyfriend.

Mukhang proud girlfriend si Sarah habang matamis ang ngiti ng Dolce Amore actor.

Subalit ang pinaka nakakakilig na bahagi ng event ay sa reception kung saan sa isang intermission number, kinanta nina Matteo at KZ ang love song na “Forevermore” ng Side A band.

Ayon sa caption ng post, habang kumakanta sina Matteo at KZ, nasa kabilang side si Sarah at nagtsi-cheer para sa kanyang boyfriend.

“Matteo and KZ performing Forevermore here at Aries and Mia's wedding. Sara G is at the opposite side cheering.”

Ipinost naman ang bahagi ng performance nina KZ at Matteo.

Pagdating sa lyrics na “You're all I need to be with forevermore,” mapapansin si Matteo na biglang tumingin sa kabilang side, na sinasabing sa banda kung saan nakaupo si Sarah, dahilan upang maghiyawan ang mga tao sa reception.

Hindi naman napigilan ng fans ng magkasintahan ang kiligin at mag-comment sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilan pang kuha ng magkasintahan sa nasabing kasal na mula sa Instagram posts:

Noong nakaraang linggo, nailathala rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa ilang pagkakataong namataang magkasama sina Sarah at Matteo.

Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli spotted together in difference occasions


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN