Stars give thanks, seek blessings for loved ones this Holy Week

Stars have families, too, and they come first in their prayers this Holy Week.


Noong araw, para sa mga Pinoy, ang Mahal Na Araw ay ipinagdiriwang na nasa loob lamang ng bahay.

Kung aalis man, siguradong sa simbahan lang ang punta.

Tahimik at isinasagawa ang ilang tradisyong pinaniniwalaan kapag sumasapit ang buong linggo ng Mahal na Araw.

At sa Pasko ng Pagkabuhay lamang bumabalik ang normal na pang-araw-araw na gawain o lakad.

Habang tumatagal, marami nang pababago sa tradisyong ito.

Dahil sa sobrang kaabalahan ng karamihan, lalo na ang mga nagtatrabaho, nagiging oportunidad ang ganitong sagradong okasyon para mamahinga, mag-out of town, magbakasyon sa ibang bansa, o mag-bonding sa  iba't ibang beach o resorts dito sa bansa.

Sa mga artista, gaano man ka-busy at nagpapakasaya ang ilan sa kanila, iisa lang ang siguradong hindi nila kinalilimutang gawin lalo na sa ganitong panahon—ang pagdarasal.

Ilan sa mga artista ang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang laman ng kanilang panalangin.

Narito ang kanilang mga sagot:

NADINE LUSTRE: “Good health for everyone.  My family, James [Reid].  Especially James, kasi he’s always puyat, working. Yun lang, the simplest prayer lang.”

JAMES REID: “My prayer is always for my family, especially for my dad.”

REGINE VELASQUEZ-ALCASID: “My prayer is always for my family. Good health, safety siyempre and sa aking asawa at sa aking anak. Yun lang naman ang dinadasal ko lagi.”

ANDREA TORRES: “Sa family siyempre, na maging okey lahat. Individually, may mga gusto pa silang mangyari. May mga gusto pa silang ma-achieve na parang sana ma-achieve na nila yun.

“Parang ngayon, ang gaan-gaan pa ng feeling ko, parang feeling ko, ang bait ng Panginoon sa akin.

“Siyempre, gusto mo na lahat ng loved ones mo, makita, sana magtuluy-tuloy, lalo na sa show na ‘to [The Millionaire's Wife], siyempre. Ito ang baby ko ngayon and love of my life ko ngayon, sana maging successful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RICH ASUNCION: “Sana makapagtapos ako ng pag-aaral, maging successful ako sa work ko para maging comfortable ako at ang family ko.

"Kahit hindi sobrang yaman, basta comfortable and happy. Sana magkatuluyan kami ng boyfriend ko. Sana forever na.”

MIKE TAN: “Mas makilala ng mga tao kung sino talaga si Jesus Christ at yung intimacy with God.”

JC DE VERA: “Every day, before I go to sleep, I always pray for my family. Health of my papa and mama. Success of my brother, the gift of friendship.

“And the gift of work from God, I always pray na sana bibigyan ako palagi ni Lord ng strength para ma-achieve ko yung kung ano ang kailangan kong gawin for the day.

“To give me strength para makaarte, maka-entertain.

“Never akong nagpi-pray for myself, always for others and most of the time, for my family.”

JAKE CUENCA: “Ang laman ng prayer ko, not really for me, but for my family, for my friends and for my ex-girlfriend.”

ISABEL OLI: “Ang laman ng prayer ko, actually ang laman ng prayer namin ni John [Prats] is actually si Feather, yung pagbubuntis and safety sa family namin, both sides. And good health, siyempre.”

JOHN PRATS: “Palaging safety delivery talaga, yung health ng baby. Pinagpi-pray ko na safe and normal delivery talaga. Hindi kami mahirapan, lalo si Liv [Isabel Oli], hindi siya mahirapan.

MIKAEL DAEZ: “My prayer, well, very simple lang naman. First and foremost, thank you. Thank you, Lord, para sa mga nangyayari, sa lahat ng meron.

“Masaman man siya o mabuti and, second, hinihingi ko lang na lahat ng tao na nasa buhay ko ay makahanap ng kasiyahan.

“I want everyone to find happiness, kahit ano pa yun. Ang gusto ko lang, eventually, kahit na naghihirap sila ngayon, ang end goal nila ay masaya sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN