Karla Estrada on starring in a movie as ''Barna'': "Imbes na bato, siopao ang isusubo mo!"

Karla Estrada narrates how her "Barna" character—a cross between Darna and Barney The Dinosaur—came about. What if Star Cinema picks up the idea and Karla Estrada suddenly finds herself starring in a movie ala Darna? "Nakakatuwa yun… imbes na bato, siopao ang isusubo mo… hindi na ako magdi-Ding kasi baka iyon yung maisubo ko, yung bata!" she gamely plays along.


Nagsimula sa katuwaan ang ''Barna'' character ni Karla Estrada nang minsan siyang nag-guest sa Gandang Gabi Vice show ng kaibigan niyang si Vice Ganda.

“Naku, si Viceral [tawag ni Karla kay Vice ] ang nagbigay sa akin niyan, na Barna na si Barney.”

Sa naturang guesting kasi ni Karla, napag-usapan nila na noong bata pa siya ay nais niyang maging isang superhero.

Panay nga raw ang pagtatago niya sa puno at umiikot siya para maging si Wonder Woman.

Pero ayon kay Vice, dahil American superhero si Wonder Woman at may ibang artistang gagawa na ng Darna sa Star Cinema, si Karla raw ay si Barna—na pinaghalong cartoon character na Barney at Darna.

Seseryosohin na ba niya iyon kung sakali?

“Ha? Oo, di ba, nakakatuwa? Nakakatawa, di ba? Oo, nakakatawa!” bulalas ni Karla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung maisipan ng Star Cinema na gawin itong pelikula at si Karla ang bida?

Natatawang pagsakay naman niya, “Sana! Iwasan lang natin ang paglipad dahil iniiwasan natin ang mga crash landings.

“So, oo, nakakatuwa yun… imbes na bato, siopao ang isusubo mo.

“I think hindi na ako magdi-Ding, kasi baka iyon yung maisubo ko, yung bata!

“Okay, okay, gusto ko yun, yung Barna, 'no?”

IMPROMPTU. Samantala, in an interview ay nabanggit ni Kathryn Bernardo na awkward daw kung sakaling magkakaroon ng project na magkasama sila ni Karla.

Si Kathryn ang ka-love team at napapabalitang girlfriend ng anak ni Karla na si Daniel Padilla.

Reaksiyon dito ni Karla, “Sabi niya? Ang cute!

“Siyempre mahihiya-hiya yun. I mean, siguro matatanggal naman yun, but we’ll never know.

“Hindi naman natin masabi, e...

“So, tingnan na lang natin kung what’s in store for me, for us. Tingnan natin, abangan natin 'yan.

“Importante laging pasabog, tapos nakakatawa.”

Patuloy niya, “Kasi yung GGV [Gandang Gabi Vice] namin ni Vice, impromptu yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Impromptu lang yun, yung kinanta ko yung theme song, na ni-rock ko? Ako lang yun.

“Tapos si Vice, hindi niya sinabing ako yung guest niya, ang sabi niya opening lang ako.

“So, kung nakita kong meron nang ano, na pahaba na nang pahaba yung interview, sabi ko, ‘Ay, I have to go na!’

“Niloloko ko siya. Sabi niya, 'Hindi, mamaya na.'

“Surprise talaga kasi gumawa pa sila ng poster nung Barna,” kung saan naka-Darna costume si Karla sa poster.

Ang theme song naman na sinasabi niya ay ang theme song ng Barney na “I Love You, You Love Me” na kinanta niya nang pa-rock at sa huli ay sumigaw siya ng ‘Barna!’

RAISING BOYS. Samantala, kahit single parent ay hindi naman nahirapan si Karla sa pagpapalaki sa dalawa niyang anak na lalaki, sina JC at Daniel.

Aniya, “Yung mga boys ko nakakatuwa, sobra kasing conservative ng mga bata!

“Oo, hindi sila mga… hindi! I think ang laking bagay nung lumaki sa nanay, e.

“Oo, may ganung ano, e. Pero hindi ko 'yan pinagpipigilan, ha!

“Siyempre ang mga lalaki, dapat bibitawan mo para hindi maging lampa.

“Pero sasabihin mo lahat kung ano ang buhay sa labas, di ba?

“Walang fairy tale stories, papanoorin mo lang ng TV Patrol, takot na lahat magsilabas yun!” at tumawa si Karla.

“I mean, lahat ng news natin, makikita mo lahat kung gaano kadelikado ang buhay sa labas, paglabas mo lang ng pintuan mo.

“E, kung nasa loob ka nga ng bahay hindi ka safe, so at least iyan, lagi kong inulit-ulit.

“Ngayon, pagka gustong lumabas once in a while ng mga anak ko, pinapakawalan ko.

“Kasi boys 'yan, e, kailangang maging matatag at matapang.

“Huwag lang mag-uumpisa ng away, pero matuto silang magtanggol ng sarili.”

GIRL TALKS. May pagkakaiba naman daw ang pagpapalaki niya kina Magui at Lelay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ang mga girls, si Magui meron siyang, ‘Ma, can I go out? I want to go to my classmate’s house, can I stay like 'til ten?’

“Sabi ko, ‘Hindi, anak, hanggang nine lang.’

“‘What if maglagpas ako ng ten?’

“‘Punta ako dun, I’m gonna cut your hair.’

“Mga ganun, di ba?” at tumawa si Karla.

“Tapos si Carmela, ‘Okay lang yun, Ate, may wig naman, e!’

“Oo, ganun kami sa bahay. Di ba, ang saya lang?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN