Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban spotted at HK art event last weekend

This Holy Week, Ruffa Gutierrez posted photos with John Lloyd Cruz at an art fair in Hong Kong. Coincidentally, Angelica Panganiban, John Lloyd's ex-girlfriend, also posted photos at the art fair this Holy Week. 


Nag-post ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez ng ilang larawan sa Instagram kasama ang dating nakarelasyong si John Lloyd nang magkita sila nitong weekend sa Art Basel, isang art fair sa Hong Kong.

May ilang netizens naman ang nakapansin nito at tinukso pa ang dalawa.

Sa nasabing mga larawang ipinost ni Ruffa, naroon din ang mag-asawang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

One for the road...?? @itsmecharleneg @agamuhlach317 @idan_cruz Happy weekend from HK! ???#abhk2016 #artbaselhk

A photo posted by Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) on

Pumunta si Ruffa sa Hong Kong nitong Holy Week kasama ang dalawang anak, ilang kapamilya, at ang kanyang current boyfriend na si Jordan Mouyal.

Samantala, patunay ang mga larawang ipinost ni Ruffa na nananatili silang magkaibigan ni John Lloyd sa kabila ng kanilang nakaraan.

Masaya si Ruffa ngayon sa piling ng kanyang foreigner boyfriend, habang napabalitang hiwalay na si John Lloyd kay Angelica Panganiban.

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 2014, sinabi ng 1993 Miss World 2nd Princess na mayroon pa silang komunikasyon ng Kapamilya actor at magkaibigan pa rin sila.

Noong taon ding iyon, naging occasional guest pa si Ruffa sa weekend sitcom ni John Lloyd na Home Sweetie Home.

Sinabi rin ni Ruffa noon na masarap katrabaho si John Lloyd, na walang awkwardness sa pagitan nila at tanging pagkakaibigan na lang nila ang nananatili.

Read: Ruffa Gutierrez on ex-boyfriend John Lloyd Cruz: “Isa siya sa mga kaibigan ko ngayon and walang awkwardness at all.”

Samantala, may mga netizen din ang nag-comment at nakapansing nagpunta rin si Angelica sa parehong art exhibit.

Kung pagbabasehan ang Instagram ni Angelica, ipinost ng aktres ang ilang kuha niya mula sa exhibit nito ring weekend, kung kailan din nag-post si Ruffa ng photos sa kanyang Instagram account na kasama si John Lloyd.

Hey Thank You ?????? #FinallyImHomeKong

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN