PEP EXCLUSIVE. James Reid's mother approves of Nadine Lustre: "They are so perfect for each other."

Naniniwala ang ina ni James Reid na si Maria Aprilyn Marwuinez na liligaya ang anak sa piling ng girlfriend nitong si Nadine Lustre. "I know na magiging masaya si James with Nadz and ganun din si Nadz kay James."

 


Botong-boto ang ina ni James Reid na si Maria Aprilyn Marwuinez o Mommy Ella sa girlfriend ngayon ng anak na si Nadine Lustre.

Ito ang pahayag ni Mommy Ella sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, March 28, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter.

Naka-base na ngayon sa Scotland ang Filipino mother ni James; ang Aussie father naman ng aktor ay narito ngayon sa Pilipinas.

Ayon pa sa ina ni James, hindi lang siya ang boto para kay Nadine kundi lahat ng kanyang kamag-anak.

Nitong nakaraang Sabado, March 26, personal na nakausap ni Mommy Ella si Nadine sa London bago magtanghal ang aktres at si James sa kanilang JaDine In Love World Tour 2016 doon.

Saglit lang daw ang naging usapan nila sa loob ng ExCeL (Exhibition Center London).

Kuwento ni Mommy Ella, “Yes, nagkausap kami.

“It was quick lang kasi they were in a hurry to go at the airport to Milan.

“Mabait na anak si Nadine and my… sa family side ko, they like Nadz for James.

“Kaya when they heard na for real na sila, natuwa kami.

“Lalo na ako kasi I know na magiging masaya si James with Nadz and ganun din si Nadz kay James.

“They are so perfect for each other.”

Nitong nakaraang February 20, inamin nina James at Nadine na totohanan na ang kanilang relasyon sa ginanap na JaDine In Love concert sa Smart-Araneta Coliseum.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

HAPPY AND VERY THANKFUL. Ayon kay Mommy Ella, masayang-masaya rin siya na muli silang nagkita ng anak pagkatapos ng ilang buwan.

Read: James Reid reunites with his mom in London

Aniya, “December 5, 2015, we only spoke for 20 minutes kasi may show siya that time and also I was flying here [Scotland] din that time.”

Dagdag pa niya, labis ang kanyang pasasalamat sa fans ng anak at ni Nadine sa walang sawa nilang suporta dito, lalo na ang mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy and very thankful sa mga Pinoy abroad kasi they believed in him and Nadine, at so proud na successful lahat ang concert nila.

“Kaya nga to all the fans around the world, thank you so much for the love and support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN